Font Size
Apocalipsis 14:6-8
Ang Biblia (1978)
Apocalipsis 14:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, (A)na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan;
7 At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at (B)magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon (C)ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.
8 At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, (D)Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, (E)na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978