Add parallel Print Page Options

At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na (A)gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng (B)alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa:

At (C)sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.

Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga (D)malilinis. At ang mga ito'y ang (E)nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga (F)pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.

Read full chapter