Add parallel Print Page Options

Ang Dalawang Halimaw

13 At(A) nakita ko ang isang halimaw na umaahon sa dagat, may sampung sungay at pitong ulo, at sa kanyang mga sungay ay may sampung diadema, at sa kanyang mga ulo ay mga pangalan ng kalapastanganan.

At(B) ang halimaw na aking nakita ay katulad ng isang leopardo at ang kanyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kanyang bibig ay gaya ng bibig ng leon. At ibinigay rito ng dragon ang kanyang kapangyarihan, ang kanyang trono, at dakilang kapamahalaan.

Ang isa sa mga ulo nito ay parang pinatay, ngunit ang sugat nito na ikamamatay ay gumaling, at ang buong lupa ay namamanghang sumunod sa halimaw.

Ang mga tao'y sumamba sa dragon sapagkat ibinigay niya ang kanyang kapangyarihan sa halimaw; at sinamba nila ang halimaw, na sinasabi, “Sino ang katulad ng halimaw at sinong makakalaban dito?”

Ang(C) halimaw ay binigyan ng isang bibig na nagsasalita ng mga palalong bagay at ng mga kalapastanganan, at pinahintulutan siyang gumamit ng kapangyarihan sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.

Ibinuka niya ang kanyang bibig upang magsalita ng mga kalapastanganan sa Diyos, upang lapastanganin ang kanyang pangalan at ang kanyang tahanan gayundin ang mga naninirahan sa langit.

Ipinahintulot(D) din sa kanya na makipagdigma sa mga banal at sila'y lupigin. Binigyan siya ng kapangyarihan sa bawat angkan, bayan, wika at bansa,

at(E) ang lahat ng naninirahan sa lupa ay sasamba sa kanya, ang lahat na ang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero na pinaslang buhat nang itatag ang sanlibutan.

Kung ang sinuman ay may pandinig ay makinig:

10 Kung(F) ang sinuman ay patungo sa pagkabihag, sa pagkabihag siya patutungo. Kung ang sinuman ay pumapatay sa pamamagitan ng tabak, sa pamamagitan ng tabak siya dapat papatayin. Ito ay panawagan para sa pagtitiis at pananampalataya ng mga banal.

11 At nakita ko ang isa pang halimaw na umaahon sa lupa; at ito ay may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero at siya'y nagsasalita na parang dragon.

12 Kanyang ginagamit ang buong kapangyarihan ng unang halimaw na nasa kanyang paningin, at pinasasamba niya ang lupa at ang mga naninirahan dito sa unang halimaw na ang sugat na ikamamatay ay gumaling na.

13 Ito'y gumagawa ng mga dakilang tanda, pati na ang pagpapababa ng apoy sa lupa mula sa langit sa paningin ng mga tao.

14 At nadadaya nito ang mga naninirahan sa lupa dahil sa mga tanda na pinahintulutang gawin nito sa paningin ng halimaw, na sinasabi sa mga naninirahan sa lupa na dapat silang gumawa ng isang larawan ng halimaw na sinugatan ng tabak ngunit nabuhay.

15 At ito'y pinahintulutang makapagbigay ng hininga sa larawan ng halimaw upang ang larawan ng halimaw ay makapagsalita, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng halimaw.

16 At ang lahat, ang hamak at ang dakila, ang mayayaman at ang mga dukha, ang mga malaya at ang mga alipin ay pinalagyan nito ng isang tanda sa kanilang kanang kamay o sa noo,

17 upang walang sinumang makabili o makapagbili, maliban ang may tanda, samakatuwid, ng pangalan ng halimaw o ng bilang ng pangalan nito.

18 Kailangan dito ang karunungan: ang may pang-unawa ay bilangin ang bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang nito ay animnaraan at animnapu't anim.

The Two Beasts

13 (A)Then I saw a beast coming up out of the sea. It had ten horns and seven heads; on each of its horns there was a crown, and on each of its heads there was a name that was insulting to God. (B)The beast looked like a leopard, with feet like a bear's feet and a mouth like a lion's mouth. The dragon gave the beast his own power, his throne, and his vast authority. One of the heads of the beast seemed to have been fatally wounded, but the wound had healed. The whole earth was amazed and followed the beast. Everyone worshiped the dragon because he had given his authority to the beast. They worshiped the beast also, saying, “Who is like the beast? Who can fight against it?”

(C)The beast was allowed to make proud claims which were insulting to God, and it was permitted to have authority for forty-two months. It began to curse God, his name, the place where he lives, and all those who live in heaven. (D)It was allowed to fight against God's people and to defeat them, and it was given authority over every tribe, nation, language, and race. (E)All people living on earth will worship it, except those whose names were written before the creation of the world in the book of the living which belongs to the Lamb that was killed.

“Listen, then, if you have ears! 10 (F)Whoever is meant to be captured will surely be captured; whoever is meant to be killed by the sword will surely be killed by the sword. This calls for endurance and faith on the part of God's people.”

11 Then I saw another beast, which came up out of the earth. It had two horns like a lamb's horns, and it spoke like a dragon. 12 It used the vast authority of the first beast in its presence. It forced the earth and all who live on it to worship the first beast, whose wound had healed. 13 This second beast performed great miracles; it made fire come down out of heaven to earth in the sight of everyone. 14 And it deceived all the people living on earth by means of the miracles which it was allowed to perform in the presence of the first beast. The beast told them to build an image in honor of the beast that had been wounded by the sword and yet lived. 15 The second beast was allowed to breathe life into the image of the first beast, so that the image could talk and put to death all those who would not worship it. 16 The beast forced all the people, small and great, rich and poor, slave and free, to have a mark placed on their right hands or on their foreheads. 17 No one could buy or sell without this mark, that is, the beast's name or the number that stands for the name.

18 This calls for wisdom. Whoever is intelligent can figure out the meaning of the number of the beast, because the number stands for the name of someone. Its number is 666.