Font Size
Amos 9:1-3
Magandang Balita Biblia
Amos 9:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang mga Hatol ng Panginoon
9 Nakita kong nakatayo sa may altar ang Panginoon. At siya'y nag-utos ng ganito:
“Bayuhin mo ang mga haligi ng templo hanggang sa mauga ang buong pundasyon,
at ihampas ito sa ulo ng mga tao.
Ang mga nalabi ay masasawi sa digmaan,
walang sinumang makakatakas;
isa ma'y walang makakaligtas.
2 Humukay man sila patungo sa daigdig ng mga patay,
aabutan ko pa rin sila.
Umakyat man sila sa langit,
hihilahin ko silang pababa mula roon.
3 Kung magtago man sila sa Bundok ng Carmel,
tutugisin ko sila't huhulihin.
Magtago man sila sa kalaliman ng dagat,
uutusan ko ang dambuhala sa dagat upang sila'y lamunin.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.