Add parallel Print Page Options

At sa araw na iyon, malulungkot na awitin ang maririnig sa palasyo.[a]
May mga bangkay na naghambalang sa labas
    at maghahari ang katahimikan.”

Ang Kapahamakan ng Israel

Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan,
    at kayong umaapi sa mga dukha.
Ang sabi ninyo sa inyong sarili,
“Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang.
    Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani.
Kailan ba matatapos ang Sabbath,
    para maipagbili namin ang mga trigo?
Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan,
    at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.

Read full chapter

Footnotes

  1. Amos 8:3 palasyo: o kaya'y Templo .