Amos 7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Balang sa Pangitain
7 Ito ang pangitaing ipinakita sa akin ng Panginoong Yahweh: Nagpakawala siya ng maraming balang pagkatapos na gapasin ang bahagi ng ani na para sa hari, at habang nagsisimulang tumubo ang pananim. 2 Nakita kong sinimot ng mga balang ang lahat ng halaman sa lupain. At nasabi ko, “Panginoong Yahweh, patawarin mo po ang iyong bayan! Paano pa sila mabubuhay? Sila'y maliliit at mahihina!”
3 Nagbago ang isip ni Yahweh at sinabi niya, “Sige, hindi na mangyayari ang iyong nakita.”
Ang Apoy sa Pangitain
4 Ito ang sumunod na ipinakita sa akin ng Panginoong Yahweh: Handa na siya upang parusahan ang mga tao sa pamamagitan ng apoy. Ang tubig sa kalaliman ng lupa ay tinuyo ng apoy at ngayo'y nasusunog na ang lupain. 5 Kaya't ako'y nakiusap, “Panginoong Yahweh, maawa po kayo sa kanila! Sila'y mahihina't maliliit, baka hindi sila makatagal!”
6 Nagbago ang isip ni Yahweh at ang sabi, “Hindi ko na rin ito hahayaang mangyari.”
Ang Hulog sa Pangitain
7 Ito pa ang ipinakita niya sa akin: Siya'y nakatayo sa tabi ng pader na ginamitan ng hulog. Nakita kong hawak niya ang hulog. 8 Tinanong ako ni Yahweh, “Amos, ano ang nakikita mo?” “Isang hulog po,” sagot ko.
At sinabi niya,
“Sa pamamagitan ng hulog na ito,
ipapakita ko ang pagkakamali ng aking bayang Israel.
Hindi na magbabago pa ang pasya ko, paparusahan ko sila.
9 Mawawasak ang mga altar ng mga salinlahi ni Isaac.
Mawawasak ang mga banal na dako ng Israel.
Sa pamamagitan ng tabak, pupuksain ko ang sambahayan ni Jeroboam.”
Si Amos at si Amazias
10 Si Amazias na pari sa Bethel ay nagsumbong kay Haring Jeroboam ng Israel. “Kasama ng mga tao, si Amos ay may balak na masama laban sa inyo,” sabi niya. “Dahil sa mga sinasabi niya'y nagugulo ang bayan. 11 Sinasabi niyang,
‘Mamamatay si Jeroboam sa digmaan,
at ang Israel ay dadalhing-bihag
sa isang malayong lupain.’”
12 Pagkatapos, hinarap naman ni Amazias si Amos at sinabi, “Tama na iyan, Propeta! Magbalik ka na sa Juda; doon ka mangaral. Hayaan mong sila ang magbayad sa iyo. 13 Huwag ka nang mangaral dito sa Bethel. Narito ang templo ng kaharian at dito sumasamba ang hari.”
14 Sumagot si Amos, “Hindi ako propeta na nangangaral at hindi rin nagsanay na maging isang propeta upang bayaran. Ako'y pastol at nag-aalaga rin ng mga puno ng sikamoro. 15 Ngunit inalis ako ni Yahweh sa gawaing iyon at inutusang magpahayag sa mga taga-Israel para kay Yahweh. 16 Kaya pakinggan ninyo ang sinasabi ni Yahweh. Sinabi ninyo,
‘Huwag kang mangaral laban sa Israel,
at huwag kang mangaral laban sa sambahayan ni Isaac.’
17 Sinasabi ni Yahweh,
‘Ang asawa mo'y magiging babaing bayaran,
at masasawi naman sa digmaan ang iyong mga anak.
Paghahati-hatian ng iba ang iyong lupain at ikaw ay mamamatay.
Sa isang bayang hindi kumikilala kay Yahweh,
ang mga taga-Israel ay dadalhing-bihag sa isang malayong lupain.’”
Amos 7
Ang Biblia, 2001
Ang mga Balang sa Pangitain
7 Ganito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Diyos: at narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng pananim, at narito, ang huling pananim ay pagkatapos ng mga gapas para sa hari.
2 At nangyari, nang kanilang matapos kainin ang damo ng lupain, aking sinabi,
“O Panginoong Diyos, isinasamo ko sa iyo, magpatawad ka!
Paanong tatayo ang Jacob? Sapagkat siya'y maliit!
Siya'y napakaliit!”
3 Ang Panginoon ay nagbago ng isip tungkol dito,
“Hindi mangyayari,” sabi ng Panginoon.
Ang Pangitaing Apoy
4 Ganito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Diyos: at narito, ang Panginoong Diyos ay tumatawag, upang humatol sa pamamagitan ng apoy, at tinupok nito ang malaking kalaliman, at kinakain ang lupain.
5 Nang magkagayo'y sinabi ko,
“O Panginoong Diyos, itigil mo, isinasamo ko sa iyo!
Paanong makakatayo ang Jacob?
Siya'y maliit!”
6 Ang Panginoon ay nagbago ng isip tungkol dito,
“Ito'y hindi rin mangyayari,” sabi ng Panginoong Diyos.
Ang Pangitaing Panghulog
7 Ipinakita niya sa akin: Narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na itinayo na may panghulog, na may panghulog sa kanyang kamay.
8 At sinabi ng Panginoon sa akin, “Amos, anong nakikita mo?” At aking sinabi, “Isang panghulog.” At sinabi ng Panginoon,
“Tingnan ninyo, ako'y maglalagay ng panghulog sa gitna ng aking bayang Israel;
hindi na ako magdaraan pa sa kanila.
9 At ang matataas na dako ng Isaac ay magiging sira,
at ang mga santuwaryo ng Israel ay mahahandusay na wasak;
at ako'y babangon na may tabak laban sa sambahayan ni Jeroboam.”
Si Amos at si Amasias
10 Nang magkagayo'y nagsugo si Amasias na pari sa Bethel kay Jeroboam na hari ng Israel, na nagsasabi, “Si Amos ay nakipagsabwatan laban sa iyo sa gitna ng sambahayan ni Israel. Hindi kayang dalhin ng lupain ang lahat niyang mga salita.
11 Sapagkat ganito ang sabi ni Amos,
‘Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak,
at ang Israel ay tunay na pupunta sa pagkabihag
mula sa kanyang lupain.’”
12 Sinabi ni Amasias kay Amos, “O ikaw na tagakita, humayo ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo'y kumain ka ng tinapay, at magsalita ka ng propesiya roon.
13 Ngunit huwag ka nang muling magsalita ng propesiya sa Bethel, sapagkat iyon ay santuwaryo ng hari, at iyon ay templo ng kaharian.”
14 Nang magkagayo'y sumagot si Amos kay Amasias, “Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastol, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro.
15 At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Humayo ka, magsalita ka ng propesiya sa aking bayang Israel.’
16 “Kaya't ngayo'y pakinggan mo ang salita ng Panginoon,
Iyong sinasabi, ‘Huwag kang magpahayag ng propesiya laban sa Israel,
at huwag kang mangaral laban sa sambahayan ni Isaac.’
17 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon:
‘Ang iyong asawa ay magiging masamang babae[a] sa lunsod,
at ang iyong mga anak na lalaki at babae ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak,
at ang iyong lupain ay mahahati sa pamamagitan ng pising panukat;
at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi,
at ang Israel ay tiyak na dadalhing bihag papalayo sa kanyang lupain.’”
Footnotes
- Amos 7:17 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
Amos 7
Ang Biblia (1978)
Si Amos ay binintangan ng pagtataksil sa bayan.
7 (A)Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari.
2 At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.
3 Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito, (B)Hindi mangyayari, sabi ng Panginoon.
4 Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, ang Panginoong Dios ay tumawag, upang humatol sa pamamagitan ng apoy; at sinupok ang malaking kalaliman, at susupukin sana ang lupain.
5 Nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoong Dios, itigil mo, isinasamo ko sa iyo: paanong makatatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.
6 Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito: Ito'y hindi rin mangyayari, sabi ng Panginoong Dios.
7 (C)Ganito siya nagpakita sa akin: at, narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga, na may pabatong tingga sa kaniyang kamay.
8 At sinabi ng Panginoon sa akin, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang pabatong tingga. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon, Narito, (D)ako'y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel; hindi na ako magdadaan pa sa kanila;
9 At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa (E)sangbahayan ni Jeroboam.
10 Nang magkagayo'y nagsugo si (F)Amasias na saserdote sa (G)Beth-el kay (H)Jeroboam na hari sa Israel, na nagsasabi, Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel: hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita.
11 Sapagka't ganito ang sabi ni Amos, Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.
12 Sinabi rin ni Amasias kay Amos, Oh ikaw na (I)tagakita, yumaon ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo'y (J)kumain ka ng tinapay, at manghula ka roon:
13 Nguni't huwag ka nang manghula pa sa Beth-el: (K)sapagka't siyang santuario ng hari, at siyang bahay-hari.
14 Nang magkagayo'y sumagot si Amos, at nagsabi kay Amasias, Ako'y hindi propeta, o (L)anak man ng propeta; (M)kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro:
15 At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, manghula ka sa aking bayang Israel.
16 Kaya't ngayo'y dinggin mo ang salita ng Panginoon, Iyong sinasabi, Huwag kang manghula laban sa Israel, at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac:
17 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (N)Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan, at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at (O)ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.
Amos 7
Ang Dating Biblia (1905)
7 Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari.
2 At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.
3 Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito, Hindi mangyayari, sabi ng Panginoon.
4 Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, ang Panginoong Dios ay tumawag, upang humatol sa pamamagitan ng apoy; at sinupok ang malaking kalaliman, at susupukin sana ang lupain.
5 Nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoong Dios, itigil mo, isinasamo ko sa iyo: paanong makatatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.
6 Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito: Ito'y hindi rin mangyayari, sabi ng Panginoong Dios.
7 Ganito siya nagpakita sa akin: at, narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga, na may pabatong tingga sa kaniyang kamay.
8 At sinabi ng Panginoon sa akin, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang pabatong tingga. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon, Narito, ako'y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel; hindi na ako magdadaan pa sa kanila;
9 At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam.
10 Nang magkagayo'y nagsugo si Amasias na saserdote sa Beth-el kay Jeroboam na hari sa Israel, na nagsasabi, Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel: hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita.
11 Sapagka't ganito ang sabi ni Amos, Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.
12 Sinabi rin ni Amasias kay Amos, Oh ikaw na tagakita, yumaon ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo'y kumain ka ng tinapay, at manghula ka roon:
13 Nguni't huwag ka nang manghula pa sa Beth-el: sapagka't siyang santuario ng hari, at siyang bahay-hari.
14 Nang magkagayo'y sumagot si Amos, at nagsabi kay Amasias, Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro:
15 At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, manghula ka sa aking bayang Israel.
16 Kaya't ngayo'y dinggin mo ang salita ng Panginoon, Iyong sinasabi, Huwag kang manghula laban sa Israel, at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac:
17 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan, at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.
阿摩司書 7
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
各種災禍的異象
7 以下是主耶和華讓我看見的異象:看啊,祂造了一大群蝗蟲。那時,王室的作物已經收割,第二季作物剛開始發苗。 2 蝗蟲吃盡地上的青苗時,我說:「主耶和華啊,求你赦免!雅各那麼弱小,他怎麼受得了呢?」 3 於是,耶和華心生憐憫,說:「我不降這災了。」
4 以下是主耶和華讓我看見的異象:看啊,主耶和華降下審判的大火。大火燒乾了深海,正在吞噬土地。 5 那時,我說:「主耶和華啊,求你停止吧!雅各那麼弱小,他怎麼受得了呢?」 6 於是,耶和華心生憐憫,說:「我也不降這災了。」
7 以下是祂讓我看見的異象:看啊,主站在一道按照準繩建造的牆邊,手裡拿著準繩。 8 耶和華對我說:「阿摩司,你看見什麼?」我答道:「一條準繩。」主說:「我要在我的以色列子民中吊起準繩,量度他們,我不會再饒恕他們。 9 以撒子孫的邱壇必遭毀壞,以色列的廟宇必成廢墟,我要用刀攻擊耶羅波安王朝。」
阿摩司被逐
10 伯特利的祭司亞瑪謝派人告訴以色列王耶羅波安:「阿摩司在以色列家圖謀背叛你,我們國家無法容忍他的言論。 11 因為阿摩司這樣說,『耶羅波安將喪身刀下,以色列人必被擄去,遠離家鄉。』」
12 亞瑪謝對我說:「先見啊,走吧!逃回猶大去吧!你要在那裡掙吃的,在那裡說預言。 13 不可再在伯特利說預言,這裡是王的聖所,是國廟。」
14 我答道:「我本不是先知,也不是先知的門徒。我只是一個牧人,也替人看護桑樹。 15 但耶和華不再讓我看守羊群,祂對我說,『去!向我的以色列子民說預言。』 16 亞瑪謝啊,你說,『不要說攻擊以色列的預言,不要傳講攻擊以撒子孫的信息。』現在你要聽耶和華對你說的話。 17 耶和華說,『你的妻子必在這城裡淪為妓女,你的兒女必喪身刀下,你的田地必被人丈量、瓜分,你自己必死在異鄉[a]。以色列人必被擄去,遠離家鄉。』」
Footnotes
- 7·17 「異鄉」希伯來文是「不潔之地」,指不信上帝的國家。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
