Add parallel Print Page Options

Tinanong ako ni Yahweh, “Amos, ano ang nakikita mo?” “Isang hulog po,” sagot ko.

At sinabi niya,

“Sa pamamagitan ng hulog na ito,
    ipapakita ko ang pagkakamali ng aking bayang Israel.
    Hindi na magbabago pa ang pasya ko, paparusahan ko sila.
Mawawasak ang mga altar ng mga salinlahi ni Isaac.
    Mawawasak ang mga banal na dako ng Israel.
    Sa pamamagitan ng tabak, pupuksain ko ang sambahayan ni Jeroboam.”

Si Amos at si Amazias

10 Si Amazias na pari sa Bethel ay nagsumbong kay Haring Jeroboam ng Israel. “Kasama ng mga tao, si Amos ay may balak na masama laban sa inyo,” sabi niya. “Dahil sa mga sinasabi niya'y nagugulo ang bayan.

Read full chapter