Amos 6
Ang Biblia, 2001
Ang Pagkawasak ng Israel
6 “Kahabag-habag sila na nagwawalang-bahala sa Zion,
at sila na tiwasay sa bundok ng Samaria,
ang mga kilalang tao ng una sa mga bansa,
na pinagmulan ng sambahayan ni Israel!
2 Dumaan kayo sa Calne, at inyong tingnan;
at mula roon ay pumunta kayo sa Hamat na dakila;
at pagkatapos ay bumaba kayo sa Gat ng mga Filisteo.
Magaling ba sila kaysa mga kahariang ito?
O mas malaki ba ang kanilang nasasakupan kaysa inyong nasasakupan?
3 Naglalayo ba kayo ng araw ng sakuna
at maglalapit ba kayo ng upuan ng karahasan?
4 “Silang mga nahihiga sa mga higaang garing,
at nag-uunat ng kanilang sarili sa kanilang mga hiligan,
at kumakain ng mga batang tupa mula sa kawan,
at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;
5 na kumakatha ng mga tunog ng alpa na walang paghahanda;
na kumakatha para sa kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;
6 na umiinom ng alak sa mga mangkok,
at binubuhusan ang kanilang sarili ng pinakamagandang uri ng langis,
ngunit hindi nahahapis sa pagkaguho ni Jose.
7 Kaya't sila ngayon ay tutungo sa pagkabihag sa unahan ng mga bihag,
at ang kasayahan nila na nag-uunat ng sarili ay mapaparam.”
8 Ang Panginoong Diyos ay sumumpa sa kanyang sarili,
ang Panginoon, ng Diyos ng mga hukbo ay nagsabi:
“Aking kinapopootan ang kapalaluan ng Jacob,
at aking kinamumuhian ang kanyang mga muog;
kaya't aking ibibigay ang lunsod at lahat ng naroroon.”
9 At kung may natitirang sampung tao sa isang bahay, sila'y pawang mamatay.
10 At kapag ang isang tiyuhin o yaong sumusunog ng patay, ang magbubuhat upang ilabas ang buto mula sa bahay, at sasabihin doon sa nasa loob na bahagi ng bahay, “Mayroon ka pa bang kasama?” at kanyang sasabihin: “Wala”; kung magkagayo'y kanyang sasabihin: “Tumahimik ka! Hindi natin dapat banggitin ang pangalan ng Panginoon.”
11 Sapagkat narito, ang Panginoon ay mag-uutos
na ang malaking bahay ay mawawasak,
at ang munting bahay ay madudurog.
12 Tumatakbo ba ang mga kabayo sa malaking bato?
Inaararo ba ng sinuman ang dagat sa pamamagitan ng mga toro?
Ngunit inyong ginawang lason ang katarungan,
at ginawang mapait na kahoy ang bunga ng katuwiran.
13 Kayong nagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan, na nagsasabi;
“Hindi ba sa pamamagitan ng sarili naming lakas
ay nagapi namin ang mga sungay para sa aming sarili?”
14 “Sapagkat aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa,
O sambahayan ni Israel,” sabi ng Panginoon, ng Diyos ng mga hukbo;
“at kanilang pahihirapan kayo mula sa pasukan sa Hamat
hanggang sa batis ng Araba.”
Amos 6
Ang Biblia (1978)
Ang pagmamasagwa at ang di pagbabanal ay parurusahan.
6 (A)Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel!
2 Magsidaan kayo sa (B)Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa (C)Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: (D)magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan?
3 Kayong (E)nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan;
4 Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;
5 Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na (F)nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;
6 Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.
7 (G)Sila nga ngayo'y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag, at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam.
8 Ang Panginoong Dios ay sumumpa (H)sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan (I)ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon.
9 At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay.
10 At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng (J)sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa (K)pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.
11 Sapagka't narito, naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting bahay ay magkakabutas.
12 Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang (L)ginagawang kapaitan ang (M)katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran,
13 Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng (N)mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan?
14 Sapagka't, narito, aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula (O)sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba.
Amos 6
Ang Dating Biblia (1905)
6 Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel!
2 Magsidaan kayo sa Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan?
3 Kayong nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan;
4 Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;
5 Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;
6 Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.
7 Sila nga ngayo'y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag, at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam.
8 Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon.
9 At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay.
10 At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.
11 Sapagka't narito, naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting bahay ay magkakabutas.
12 Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang ginagawang kapaitan ang katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran,
13 Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan?
14 Sapagka't, narito, aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba.
Amos 6
New King James Version
Warnings to Zion and Samaria
6 Woe (A)to you who are at (B)ease in Zion,
And (C)trust in Mount Samaria,
Notable persons in the (D)chief nation,
To whom the house of Israel comes!
2 (E)Go over to (F)Calneh and see;
And from there go to (G)Hamath the great;
Then go down to Gath of the Philistines.
(H)Are you better than these kingdoms?
Or is their territory greater than your territory?
3 Woe to you who (I)put far off the day of (J)doom,
(K)Who cause (L)the seat of violence to come near;
4 Who lie on beds of ivory,
Stretch out on your couches,
Eat lambs from the flock
And calves from the midst of the stall;
5 (M)Who sing idly to the sound of stringed instruments,
And invent for yourselves (N)musical instruments (O)like David;
6 Who (P)drink wine from bowls,
And anoint yourselves with the best ointments,
(Q)But are not grieved for the affliction of Joseph.
7 Therefore they shall now go (R)captive as the first of the captives,
And those who recline at banquets shall be removed.
8 (S)The Lord God has sworn by Himself,
The Lord God of hosts says:
“I abhor (T)the pride of Jacob,
And hate his palaces;
Therefore I will deliver up the city
And all that is in it.”
9 Then it shall come to pass, that if ten men remain in one house, they shall die. 10 And when [a]a relative of the dead, with one who will burn the bodies, picks up the [b]bodies to take them out of the house, he will say to one inside the house, “Are there any more with you?”
Then someone will say, “None.”
And he will say, (U)“Hold your tongue! (V)For we dare not mention the name of the Lord.”
11 For behold, (W)the Lord gives a command:
(X)He will break the great house into bits,
And the little house into pieces.
12 Do horses run on rocks?
Does one plow there with oxen?
Yet (Y)you have turned justice into gall,
And the fruit of righteousness into wormwood,
13 You who rejoice over [c]Lo Debar,
Who say, “Have we not taken [d]Karnaim for ourselves
By our own strength?”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

