Add parallel Print Page Options

Nakakaawa kayo! Ang katarungan ay ginagawa ninyong marumi[a] at pinawawalang-halaga ninyo ang katuwiran!”

Ang Dios ang lumikha ng grupo ng mga bituing tinatawag na Pleyades at Orion. Siya ang nagpapalipas ng liwanag sa dilim, at ng araw sa gabi. Tinitipon niya ang tubig mula sa karagatan para pumunta sa mga ulap upang muling ibuhos sa lupa sa pamamagitan ng ulan. Panginoon ang kanyang pangalan. Agad niyang winawasak ang matitibay na napapaderang bayan,[b] at dinudurog ang napapaderang lungsod.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:7 marumi: sa literal, mapait na tanim.
  2. 5:9 napapaderang bayan: o, malalakas na kawal.