Font Size
Amos 5:17-19
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Amos 5:17-19
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
17 May mga iyakan din sa inyong mga taniman ng ubas.[a] Mangyayari ito dahil parurusahan ko kayo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Ang Araw ng Paghatol ng Dios
18 Nakakaawa kayong naghihintay ng araw ng Panginoon. Huwag ninyong isipin na araw iyon ng inyong kaligtasan. Sapagkat iyon ang araw na parurusahan kayo. 19 Para kayong taong nag-aakalang ligtas na siya dahil nakatakas siya sa leon, pero nasalubong naman niya ang oso. O di kayaʼy nag-aakalang ligtas na siya dahil nasa loob na siya ng kanyang bahay, pero nang isinandal niya ang kanyang kamay sa dingding, tinuklaw ito ng ahas.
Read full chapterFootnotes
- 5:17 Ang ubasan ay lugar ng kasayahan lalo na kapag panahon ng pagpitas ng mga bunga nito. Pero magiging lugar ito ng iyakan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®