Add parallel Print Page Options

Pakinggan ninyo ito, mga babae sa
    Samaria na naglalakihang gaya ng mga baka ng Bashan,
na nang-aapi sa mahihina, nangingikil sa mahihirap,
    at nag-uutos sa inyong mga asawa upang dalhan kayo ng inumin.
Ang Panginoong Yahweh ay banal, at kanyang ipinangako:
    “Darating ang araw na kayo'y huhulihin ng pamingwit.
    Bawat isa sa inyo'y matutulad sa isdang nabingwit.
Ilalabas kayo sa siwang ng pader
    at kayo'y itatapon sa Harmon.”

Ang Pagmamatigas ng Israel

“Mga mamamayan ng Israel,” sabi ng Panginoong Yahweh,
“Pumunta kayo sa Bethel at doo'y gumawa ng kasalanan!
    Pumunta rin kayo sa Gilgal at dagdagan pa ang inyong mga kasalanan!
Magdala kayo ng mga hayop na ihahandog tuwing umaga;
    magdala kayo ng ikasampung bahagi tuwing ikatlong araw.
Maghandog kayo ng tinapay bilang pasasalamat;
    ipagyabang ninyo ang inyong mga kusang-loob na handog!
    sapagkat ito ang gustung-gusto ninyong gawin.

“Ginutom(A) ko kayo sa bawat lunsod;
    walang tinapay na makain sa bawat bayan,
gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin.
Hindi ko rin pinapatak ang ulan
    na kailangan ng inyong halaman.
Nagpaulan ako sa isang lunsod ngunit sa iba'y hindi.
Dinilig ko ang isang bukirin ngunit ang iba'y hinayaang matuyo.
Kaya't naghanap ang mga tao mula sa dalawa o tatlong lunsod
    ng tubig sa karatig-lunsod ngunit di rin napatid ang kanilang uhaw.
Gayunman, hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.

“Sinira ko ang inyong pananim,
    sa pamamagitan ng mainit na hangin at amag.
Kinain ng mga balang ang inyong mga halaman, pati ang mga puno ng ubas, igos at olibo,
gayunma'y hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.

10 “Pinadalhan ko kayo ng salot tulad ng aking ginawa sa Egipto.
    Pinatay ko sa digmaan ang inyong kabinataan;
inagaw ko ang inyong mga kabayo.
    Bumaho ang inyong mga kampo dahil sa mga nabubulok na bangkay; halos hindi kayo makahinga,
subalit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.

11 “Pinuksa(B) ko ang ilan sa inyong lunsod tulad ng Sodoma at Gomorra.
    Kayo'y parang nagbabagang kahoy na inagaw sa apoy,
ngunit ayaw pa rin ninyong manumbalik sa akin,” sabi ni Yahweh.

12 “Mga taga-Israel, gagawin ko ito sa inyo,
    kaya humanda kayong humarap sa inyong Diyos!”

13 Siya ang lumikha ng mga bundok at ng hangin,
    at ang nagpapahayag sa mga tao ng kanyang kaisipan.
Ginagawa niyang gabi ang araw;
    siya ang naghahari sa buong sanlibutan.
Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang kanyang pangalan!

欺贫重富必受惩罚

撒玛利亚山上的巴珊母牛啊!要听这话;

你们欺负贫穷人,压迫穷苦人,

又对自己的丈夫说:“拿酒来,给我们饮用。”

主耶和华指着自己的圣洁起誓:

“看哪!对付你们的日子快到,

人必用钩子把你们钩走,

最后一个也必被人用鱼钩钩去。

你们一个一个经过城墙的破口出去,

被丢弃在哈门。”

这是耶和华的宣告。

向偶像献祭的罪

“你们去伯特利犯罪,

在吉甲增加过犯吧!

每早献上你们的祭物,

每三日献上你们的十分之一吧!

以色列人哪!把有酵的饼作感谢祭献上,

高声宣扬你们自愿献的祭吧!

这原是你们喜爱行的。”

这是主耶和华的宣告。

受重罚仍不悔改

“虽然我使你们各城的人牙齿干净,

各处都缺乏粮食;

但你们仍不归向我。”

这是耶和华的宣告。

“我曾在收割前三个月,

不降雨给你们;

我降雨给一个城,

在另一个城却不降雨;

我在一块地降雨,

另一块地没有雨水就枯干了。

两三个城的居民挤到一个城去找水喝,

却没有足够的水喝;

但你们仍不归向我。”

这是耶和华的宣告。

“我曾多次用热风和霉烂击打你们的园子和葡萄园,

叫蝗虫吃光你们的无花果树和橄榄树;

但你们仍不归向我。”

这是耶和华的宣告。

10 “我在你们中间降下瘟疫,

正如临到埃及的瘟疫一样;

我用刀杀掉你们的年轻人,

你们被掳去的马匹也遭杀戮;

我使你们营里死尸的臭气扑鼻,

但你们仍不归向我。”

这是耶和华的宣告。

11 “我倾覆你们,

就像倾覆所多玛和蛾摩拉一样;

你们像一根木柴,

从火里抽出来;

但你们仍不归向我。”

这是耶和华的宣告。

12 “因此,以色列啊!我必这样对付你。

以色列啊!因我必这样对付你,

你应当预备迎见你的 神。”

13 看哪!他造了山,创造了风,

把他的心意告诉人;

他使晨光变为黑暗,

他的脚踏在地的高处,

耶和华万军的 神就是他的名。