Add parallel Print Page Options

Kaya susunugin ko ang mga pader[a] ng Gaza at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito. Lilipulin ko ang mga pinuno ng Ashdod at ng Ashkelon, at parurusahan ko ang mga taga-Ekron.[b] At ang mga Filisteong makakatakas sa parusa ay mamamatay din. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Ang Parusa sa Bansang Tyre

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Tyre: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Tyre, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbili nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan bilang mga alipin sa Edom. Hindi nila sinunod ang kanilang kasunduang pangkapatiran sa mga mamamayang ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:7 susunugin ko ang mga pader: Maaaring may mga bahagi ang pader na masusunog ng apoy, o ang apoy dito ay nangangahulugan ng pagkawasak.
  2. 1:8 Ashdod … Ashkelon … Ekron: Itoʼy mga lugar na sakop ng Filistia.