Add parallel Print Page Options

Aking wawasakin ang mga halang ng pintuan ng Damasco,
    at aking ihihiwalay ang mga naninirahan mula sa Libis ng Aven,
at siyang humahawak ng setro mula sa Bet-eden;
at ang bayan ng Siria ay tutungo sa pagkabihag sa Kir,” sabi ng Panginoon.

Ang Filistia

Ganito(A) ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Gaza,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa;
sapagkat kanilang dinalang-bihag ang buong bayan,
    upang ibigay sila sa Edom.
Ngunit ako'y magsusugo ng apoy sa pader ng Gaza,
    at tutupukin nito ang mga tanggulan niyon.

Read full chapter

At aking iwawasak ang (A)halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang (B)ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (C)sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, (D)upang ibigay sa Edom.

Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon:

Read full chapter

At aking iwawasak ang halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, upang ibigay sa Edom.

Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon:

Read full chapter