Add parallel Print Page Options

Ang Parusa sa Bansang Syria

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Syria: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Damascus,[a] parurusahan ko sila. Sapagkat pinagmalupitan nila ang mga taga-Gilead na parang giniik ng tabla na may mga ngiping bakal sa ilalim. Kaya susunugin ko ang palasyo ni Haring Hazael at ang matitibay na bahagi ng Damascus na ipinagawa ng anak niyang si Haring Ben Hadad. Wawasakin ko ang pintuan ng Damascus at papatayin ko ang pinuno ng Lambak ng Aven at ng Bet Eden.[b] Bibihagin at dadalhin sa Kir ang mga mamamayan ng Syria.[c] Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:3 Damascus: Ito ang kabisera ng Syria at kumakatawan sa buong bansa ng Syria.
  2. 1:5 Lambak ng Aven at ng Bet Eden: Itoʼy mga lugar na sakop ng Syria.
  3. 1:5 Syria: sa Hebreo, Aram.