Font Size
Amos 1:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Amos 1:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Sa Edom
11 Ganito(A) ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom,
kaya sila'y paparusahan ko.
Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelita
at hindi sila naawa kahit bahagya.
Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman.
12 Susunugin ko ang Teman,
tutupukin ko naman ang mga tanggulan sa Bozra.”
Sa Ammon
13 Ganito(B) ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Ammon,
kaya sila'y paparusahan ko.
Sa labis nilang kasakiman sa lupain,
nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead.