Add parallel Print Page Options

28 (A)Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong (B)kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga (C)obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon (D)na binili niya ng kaniyang sariling dugo.

29 Aking talastas na pagalis ko (E)ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;

30 At magsisilitaw (F)sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.

31 Kaya nga kayo'y mangagpuyat, (G)na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha.

32 At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at (H)sa salita ng kaniyang biyaya, na (I)makapagpapatibay, at (J)makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal.

Read full chapter