Acts 11
Complete Jewish Bible
11 The emissaries and the brothers throughout Y’hudah heard that the Goyim had received the word of God; 2 but when Kefa went up to Yerushalayim, the members of the Circumcision faction criticized him, 3 saying, “You went into the homes of uncircumcised men and even ate with them!”
4 In reply, Kefa began explaining in detail what had actually happened: 5 “I was in the city of Yafo, praying; and in a trance I had a vision. I saw something like a large sheet being lowered by its four corners from heaven, and it came down to me. 6 I looked inside and saw four-footed animals, beasts of prey, crawling creatures and wild birds. 7 Then I heard a voice telling me, ‘Get up, Kefa, slaughter and eat!’ 8 I said, ‘No, sir! Absolutely not! Nothing unclean or treif has ever entered my mouth!’ 9 But the voice spoke again from heaven: ‘Stop treating as unclean what God has made clean.’ 10 This happened three times, and then everything was pulled back up into heaven.
11 “At that very moment, three men who had been sent to me from Caesarea arrived at the house where I was staying; 12 and the Spirit told me to have no misgivings about going back with them. These six brothers also came with me, and we went into the man’s house. 13 He told us how he had seen the angel standing in his house and saying, ‘Send to Yafo and bring back Shim‘on, known as Kefa. 14 He has a message for you which will enable you and your whole household to be saved.’
15 “But I had hardly begun speaking when the Ruach HaKodesh fell on them, just as on us at the beginning! 16 And I remembered that the Lord had said, ‘Yochanan used to immerse people in water, but you will be immersed in the Ruach HaKodesh.’ 17 Therefore, if God gave them the same gift as he gave us after we had come to put our trust in the Lord Yeshua the Messiah, who was I to stand in God’s way?”
18 On hearing these things, they stopped objecting and began to praise God, saying, “This means that God has enabled the Goyim as well to do t’shuvah and have life!”
19 Now those who had been scattered because of the persecution which had arisen over Stephen went as far as Phoenicia, Cyprus and Antioch; they spoke God’s word, but only to Jews. 20 However, some of these, men from Cyprus and Cyrene, when they arrived at Antioch, began speaking to the Greeks too, proclaiming the Good News of the Lord Yeshua. 21 The hand of the Lord was with them, and a great number of people trusted and turned to the Lord.
22 News of this reached the ears of the Messianic community in Yerushalayim, and they sent Bar-Nabba to Antioch. 23 On arriving and seeing for himself the grace of God at work, he was glad; and he encouraged them all to remain true to the Lord with their whole hearts; 24 for he was a good man, full of the Ruach HaKodesh and trust.
25 Then Bar-Nabba went off to Tarsus to look for Sha’ul; 26 and when he found him, he brought him to Antioch. They met with the congregation there for a whole year and taught a sizeable crowd. Also it was in Antioch that the talmidim for the first time were called “Messianic.”
27 During this time, some prophets came down from Yerushalayim to Antioch; 28 and one of them named Agav stood up and through the Spirit predicted that there was going to be a severe famine throughout the Roman Empire. (It took place while Claudius was Emperor.) 29 So the talmidim decided to provide relief to the brothers living in Y’hudah, each according to his means; 30 and they did it, sending their contribution to the elders in the care of Bar-Nabba and Sha’ul.
Gawa 11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ipinaliwanag ni Pedro ang Kanyang Ginawa
11 Nabalitaan ng mga apostol at ng mga kapatid sa Judea na ang mga hindi Judio ay tumanggap din ng salita ng Dios. 2 Kaya pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, sinalungat siya ng mga kapatid na Judio na naniniwalang ang mga hindi Judio ay kinakailangang magpatuli muna bago maging kaanib nila. 3 Sinabi nila kay Pedro, “Ikaw ay isang Judio, bakit ka nakituloy at nakikain sa bahay ng mga hindi Judio na hindi tuli?” 4 Kaya ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang buong pangyayari mula sa simula.
5 Sinabi niya, “Habang nananalangin ako sa lungsod ng Jopa, may ipinakita sa akin ang Dios. Nakita ko ang parang malapad na kumot na bumababa mula sa langit. May tali ito sa apat na sulok, at ibinaba sa tabi ko. 6 Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang lahat ng uri ng hayop – ang mga lumalakad kasama na rito ang mababangis, mga gumagapang, at mga lumilipad. 7 At narinig ko ang boses na nagsasabi sa akin, ‘Pedro tumayo ka! Magkatay ka at kumain.’ 8 Pero sumagot ako, ‘Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil hindi po talaga ako kumakain ng mga hayop na itinuturing na marumi at ipinagbabawal kainin.’ 9 Pagkatapos, muling nagsalita ang tinig mula sa langit, ‘Huwag mong ituring na marumi ang kahit na anong bagay na nilinis na ng Dios.’ 10 Tatlong beses naulit ang pangyayaring ito, at pagkatapos ay hinila na pataas ang kumot. 11 Nang mga oras ding iyon, dumating sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaki na galing sa Cesarea. Inutusan sila na sunduin ako. 12 Sinabi ng Banal na Espiritu sa akin na huwag akong mag-alinlangang sumama sa kanila. At nang umalis na kami papunta sa bahay ni Cornelius sa Cesarea, sumama sa akin itong anim na kapatid natin na taga-Jopa. 13 Pagpasok namin doon, ikinuwento ni Cornelius sa amin na may nakita siyang anghel sa loob ng kanyang bahay na nagsabi sa kanya, ‘Magsugo ka sa Jopa para sunduin si Simon na tinatawag na Pedro. 14 Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong pamilya.’ 15 At nang magsalita na ako, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon. 16 At naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.’ 17 Kaya ang nangyari sa kanila ay nagpapatunay na ang ibinigay ng Dios sa ating mga Judio, nang sumampalataya tayo sa Panginoong Jesu-Cristo ay ibinigay din niya sa mga hindi Judio. At kung ganoon ang gusto ng Dios, sino ba ako para hadlangan siya?” 18 Nang marinig ito ng mga kapatid na Judio, hindi na nila binatikos si Pedro, sa halip ay nagpuri sila sa Dios. Sinabi nila, “Kung ganoon, ibinigay din ng Dios sa mga hindi Judio ang pagkakataon na magsisi para matanggap nila ang buhay na walang hanggan.”
Ang Iglesya ng Antioc sa Syria
19 Simula nang mamatay si Esteban, nangalat ang mga mananampalataya dahil sa pag-uusig sa kanila. Ang iba ay nakarating sa Fenicia, Cyprus, at Antioc. Ipinapahayag nila ang Magandang Balita kahit saan sila pumunta, pero sa mga Judio lamang. 20 Pero ang ibang mananampalataya na taga-Cyprus at taga-Cyrene ay pumunta sa Antioc at nagpahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoong Jesus maging sa mga hindi Judio. 21 Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kanila at marami ang sumampalataya at nagbalik-loob sa Panginoon.
22 Ang pangyayaring ito ay nabalitaan ng iglesya sa Jerusalem, kaya pinapunta nila si Bernabe sa Antioc. 23 Pagdating niya roon, natuwa siya dahil nakita niya ang mga kabutihang ginawa ng Dios sa mga tao roon. At pinayuhan niya sila na maging matapat at matatag sa kanilang pananampalataya sa Panginoon. 24 Mabuting tao si Bernabe. Pinapatnubayan siya ng Banal na Espiritu, at matibay ang kanyang pananampalataya sa Dios. Kaya marami sa Antioc ang sumampalataya sa Panginoon.
25 Pagkatapos, pumunta si Bernabe sa Tarsus para hanapin si Saulo. 26 Nang makita niya si Saulo, isinama niya ito pabalik sa Antioc. At isang taon silang nakasama ng iglesya roon, at maraming tao ang kanilang tinuruan. Sa Antioc unang tinawag na mga Cristiano ang mga tagasunod ni Jesus.
27 Nang panahong iyon, may mga propeta sa Jerusalem na pumunta sa Antioc. 28 Ang pangalan ng isa sa kanila ay si Agabus. Tumayo siya at nagpahayag sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na may darating na matinding taggutom sa buong mundo. (Nangyari ito sa panahon ni Claudius na Emperador ng Roma.) 29 Kaya nagpasya ang mga tagasunod ni Jesus sa Antioc na ang bawat isa sa kanila ay magpapadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kanilang makakaya. 30 Ipinadala nila ito sa pamamagitan nina Bernabe at Saulo para ibigay sa mga namumuno ng iglesya sa Jerusalem.
Copyright © 1998 by David H. Stern. All rights reserved.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®