Add parallel Print Page Options

Pagbati

Ang(A) matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.

Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay mapabuti ka at magkaroon ng kalusugan, kung paanong nasa mabuti ring kalagayan ang iyong kaluluwa.

Ako'y labis na nagalak nang dumating ang mga kapatid at nagpatotoong ikaw ay nasa katotohanan, kung paanong lumalakad ka sa katotohanan.

Wala nang higit pang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang aking mga anak ay lumalakad sa katotohanan.

Ang Mabuting Gawa ni Gayo

Minamahal, ginagawa mo ang tapat na gawa tuwing gagawa ka ng paglilingkod sa mga kapatid, at gayundin sa mga taga-ibang bayan,

sila'y nagpatotoo sa harap ng iglesya tungkol sa iyong pag-ibig. Mabuti ang magagawa mo kung isusugo mo sila sa kanilang paglalakbay sa paraang nararapat sa Diyos;

sapagkat humayo sila alang-alang sa Pangalan, na hindi tumanggap ng anuman mula sa mga Hentil.

Kaya't nararapat nating tustusan ang mga gayong tao, upang tayo'y maging mga kamanggagawa sa katotohanan.

Sina Diotrefes at Demetrio

Ako'y sumulat ng ilang bagay sa iglesya, ngunit hindi kami tinatanggap ni Diotrefes na nagnanais maging pangunahin sa kanila.

10 Kaya't pagdating ko riyan, ay ipapaalala ko ang kanyang mga ginagawa, na nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin. At hindi pa nasisiyahan sa ganito, hindi niya tinatanggap ang mga kapatid, at hinahadlangan ang mga nagnanais tumanggap sa kanila at pinapalayas sila sa iglesya.

11 Minamahal, huwag mong tularan ang masama, kundi ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos; ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Diyos.

12 Si Demetrio ay pinatototohanan ng lahat at ng katotohanan mismo; kami rin ay nagpapatotoo tungkol sa kanya at nalalaman mo na ang aming patotoo ay tunay.

Pangwakas na Pagbati

13 Marami akong isusulat sa iyo, ngunit hindi ko ibig isulat sa iyo sa pamamagitan ng tinta at panulat;

14 inaasahan kong makita ka agad at tayo'y mag-usap nang harapan.

15 Ang kapayapaa'y sumainyo nawa. Binabati ka ng mga kaibigan. Batiin mo ang mga kaibigan sa kani-kanilang pangalan.

Greeting

(A)The elder to the beloved Gaius, (B)whom I love in truth.

Beloved, I pray that all may go well with you and that you may be in good health, as it goes well with your soul. For (C)I rejoiced greatly when the brothers[a] came and testified to your truth, as indeed you are walking in the truth. I have no greater joy than to hear that (D)my children are walking in the truth.

Support and Opposition

Beloved, it is a faithful thing you do in all your efforts for (E)these brothers, (F)strangers as they are, who testified to your love before the church. You will do well to send them on their journey in a manner (G)worthy of God. For they have gone out for the sake of (H)the name, (I)accepting nothing from the Gentiles. Therefore we ought to support people like these, that we may be fellow workers for the truth.

I have written something to the church, but Diotrephes, who likes to put himself first, does not acknowledge our authority. 10 So if I come, I will bring up what he is doing, talking wicked nonsense against us. And not content with that, he refuses to welcome the brothers, and also stops those who want to and puts them out of the church.

11 Beloved, (J)do not imitate evil but imitate good. (K)Whoever does good is from God; (L)whoever does evil has not seen God. 12 Demetrius (M)has received a good testimony from everyone, and from the truth itself. We also add our testimony, and (N)you know that our testimony is true.

Final Greetings

13 (O)I had much to write to you, but I would rather not write with pen and ink. 14 I hope to see you soon, and we will talk face to face.

15 Peace be to you. The friends greet you. Greet the friends, (P)each by name.

Footnotes

  1. 3 John 1:3 Or brothers and sisters. In New Testament usage, depending on the context, the plural Greek word adelphoi (translated “brothers”) may refer either to brothers or to brothers and sisters; also verses 5, 10