2 Tesalonica 2:4-12
Ang Biblia (1978)
4 Na sumasalangsang at nagmamataas (A)laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.
5 Hindi baga ninyo naaalaala nang ako'y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?
6 At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan.
7 Sapagka't (B)ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.
8 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, (C)na papatayin ng Panginoong Jesus (D)ng hininga ng kaniyang bibig, at (E)sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay (F)ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at (G)mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
10 At may buong daya ng kalikuan sa (H)nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, (I)upang magsipaniwala sila sa (J)kasinungalingan:
12 Upang mangahatulan silang lahat na (K)hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi (L)nangalugod sa kalikuan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
