Add parallel Print Page Options

23 Tanggihan mo ang mangmang at mga hangal na pagtatalo. Alam mong ang mga ito ay nagbubunga ng mga paglalaban-laban. 24 Ang pakikipag-away ay hindi nababagay sa isang alipin ng Panginoon. Sa halip, siya ay maging mabait sa lahat, handang makapagturo at matiisin sa iba. 25 Kailangan niyang turuan ng may kababaang-loob ang mga sumasalungat sa kaniya. Marahil ay maging kalooban ng Diyos na magsisi sila at sila ay makaalam sa katotohanan.

Read full chapter