Add parallel Print Page Options

22 Ngunit takasan mo ang masasamang nasa ng kabataan. Pagsikapan mong maabot ang katuwiran, pananampalataya, pag-ibig at kapayapaan kasama ang mga tumatawag sa Pangi­noon mula sa malinis na puso. 23 Tanggihan mo ang mangmang at mga hangal na pagtatalo. Alam mong ang mga ito ay nagbubunga ng mga paglalaban-laban. 24 Ang pakikipag-away ay hindi nababagay sa isang alipin ng Panginoon. Sa halip, siya ay maging mabait sa lahat, handang makapagturo at matiisin sa iba.

Read full chapter