Font Size
2 Timoteo 2:13-15
Ang Salita ng Diyos
2 Timoteo 2:13-15
Ang Salita ng Diyos
13 Kung hindi tayo mapagkakatiwalaan, siya ay nananatiling mapagkakatiwalaan. Hindi niya maipagkakaila ang kaniyang sarili.
Manggagawang Minarapat ng Diyos
14 Patuloy mong ipaala-ala sa kanila ang mga bagay na ito. Mahigpit mong iutos sa kanila, sa harapan ng Diyos, na huwag silang makikipagtalo patungkol sa mga salita na walang kabuluhan at nakakapagpahamak sa mga nakikinig.
15 Pagsikapan mong mabuti na iyong iharap ang iyong sarili na katanggap-tanggap sa Diyos, isang manggagawa na walang dapat ikahiya, na itinuturo ng tama ang salita ng katotohanan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International