2 Timoteo 1:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay (A)tumawag ng isang banal na (B)pagtawag, (C)hindi ayon sa ating mga gawa, kundi (D)ayon sa kaniyang sariling akala at (E)biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus (F)buhat pa ng mga panahong walang hanggan.
10 Nguni't (G)ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, (H)na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,
11 Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na (I)tagapangaral, at apostol at guro.
Read full chapter
2 Timoteo 1:9-11
Ang Biblia, 2001
9 na siyang sa atin ay nagligtas at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kanyang sariling layunin at biyaya. Ang biyayang ito ay ibinigay sa atin kay Cristo Jesus bago pa nagsimula ang mga panahon,
10 subalit ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, na siyang nag-alis ng kamatayan, at nagdala sa buhay at sa kawalan ng kamatayan tungo sa liwanag sa pamamagitan ng ebanghelyo.
11 Dito(A) ay itinalaga ako na tagapangaral, apostol at guro.[a]
Read full chapterFootnotes
- 2 Timoteo 1:11 Sa ibang mga kasulatan ay may karugtong na ng mga Hentil .
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
