Font Size
2 Timoteo 1:5-7
Ang Salita ng Diyos
2 Timoteo 1:5-7
Ang Salita ng Diyos
5 Naaala-ala ko ang pananampalataya mong walang pagkukunwari na unang nanahan sa iyong lola Loida at sa iyong inang si Eunice. Natitiyak kong nananahan din ito sa iyo. 6 Dahil dito, pinaaalalahanan kita na pagningasin mong muli ang kaloob ng Diyos na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpatong ko ng aking mga kamay sa iyo. 7 Ito ay sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng pagkatakot, sa halip, binigyan niya tayo ng espiritu ng kapangyarihan at ng pag-ibig at ng maayos na pag-iisip.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International