Font Size
2 Tesalonica 2:6-8
Magandang Balita Biblia
2 Tesalonica 2:6-8
Magandang Balita Biblia
6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa, at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung maalis na ang humahadlang, 8 malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating ng Panginoong [Jesus],[a] papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito ng hininga mula sa kanyang bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang nakakasilaw na liwanag.
Read full chapterFootnotes
- 2 Tesalonica 2:8 Jesus: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang salitang ito.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.