Font Size
2 Tesalonica 2:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Tesalonica 2:2-4
Magandang Balita Biblia
2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail[a] na itinakda sa kapahamakan.[b] 4 Itataas(A) niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.
Read full chapterFootnotes
- 2 Tesalonica 2:3 Suwail: Sa ibang manuskrito'y Makasalanan .
- 2 Tesalonica 2:3 itinakda sa kapahamakan: Sa Griego ay anak ng kapahamakan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.