Font Size
2 Tesalonica 2:1-3
Magandang Balita Biblia
2 Tesalonica 2:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang Suwail
2 Mga(A) kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail[a] na itinakda sa kapahamakan.[b]
Read full chapterFootnotes
- 2 Tesalonica 2:3 Suwail: Sa ibang manuskrito'y Makasalanan .
- 2 Tesalonica 2:3 itinakda sa kapahamakan: Sa Griego ay anak ng kapahamakan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.