2 Samuel 9
New International Version
David and Mephibosheth
9 David asked, “Is there anyone still left of the house of Saul to whom I can show kindness for Jonathan’s sake?”(A)
2 Now there was a servant of Saul’s household named Ziba.(B) They summoned him to appear before David, and the king said to him, “Are you Ziba?”
“At your service,” he replied.
3 The king asked, “Is there no one still alive from the house of Saul to whom I can show God’s kindness?”
Ziba answered the king, “There is still a son of Jonathan;(C) he is lame(D) in both feet.”
4 “Where is he?” the king asked.
Ziba answered, “He is at the house of Makir(E) son of Ammiel in Lo Debar.”
5 So King David had him brought from Lo Debar, from the house of Makir son of Ammiel.
6 When Mephibosheth son of Jonathan, the son of Saul, came to David, he bowed down to pay him honor.(F)
David said, “Mephibosheth!”
“At your service,” he replied.
7 “Don’t be afraid,” David said to him, “for I will surely show you kindness for the sake of your father Jonathan.(G) I will restore to you all the land that belonged to your grandfather Saul, and you will always eat at my table.(H)”
8 Mephibosheth(I) bowed down and said, “What is your servant, that you should notice a dead dog(J) like me?”
9 Then the king summoned Ziba, Saul’s steward, and said to him, “I have given your master’s grandson everything that belonged to Saul and his family. 10 You and your sons and your servants are to farm the land for him and bring in the crops, so that your master’s grandson(K) may be provided for. And Mephibosheth, grandson of your master, will always eat at my table.” (Now Ziba had fifteen sons and twenty servants.)
11 Then Ziba said to the king, “Your servant will do whatever my lord the king commands his servant to do.” So Mephibosheth ate at David’s[a] table like one of the king’s sons.(L)
12 Mephibosheth had a young son named Mika, and all the members of Ziba’s household were servants of Mephibosheth.(M) 13 And Mephibosheth lived in Jerusalem, because he always ate at the king’s table; he was lame in both feet.
Footnotes
- 2 Samuel 9:11 Septuagint; Hebrew my
2 Samuel 9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Si David at si Mefiboset
9 Isang araw, nagtanong si David, “May natitira pa ba sa sambahayan ni Saul na maaari kong pakitaan ng kabutihan alang-alang kay Jonatan?” 2 Ipinatawag ni David ang isang tao na nagngangalang Ziba, isang utusan mula sa sambahayan ni Saul. Pagdating niya, tinanong siya ni David, “Ikaw ba si Ziba?” Sumagot siya, “Ako nga po.” 3 Muling nagtanong ang hari, “May natitira pa ba sa sambahayan ni Saul na maaari kong pakitaan ng kabutihan ng Dios?” Sumagot siya, “Mayroon po, ang lumpong anak na lalaki ni Jonatan.” 4 “Nasaan siya?” tanong ng hari. Sumagot si Ziba, “Naroon po sa Lo Debar, sa bahay ni Makir na anak ni Amiel.” 5 Kaya ipinasundo siya ni David mula sa bahay ni Makir.
6 Ang pangalan ng anak ni Jonatan ay Mefiboset at apo siya ni Saul. Pagdating niya kay David, yumukod siya bilang paggalang dito. Sinabi ni David sa kanya, “Ikaw pala si Mefiboset.” Sumagot siya, “Ako nga po.” 7 Sinabi ni David sa kanya, “Huwag kang matakot. Ipinatawag kita dahil gusto kitang pakitaan ng kabutihan dahil sa iyong amang si Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at hindi lang iyan, dito ka na palagiang kakain kasama ko.” 8 Yumukod si Mefiboset at sinabi, “Sino po ako para tratuhin nʼyo ako ng ganito? Gaya lang po ako ng isang patay na aso.” 9 Pagkatapos, ipinatawag ng hari si Ziba, ang dating utusan ni Saul at sinabi, “Ibinigay ko na sa apo ng amo mong si Saul ang lahat ng ari-arian ng kanyang lolo. 10 Ikaw, ang mga anak mo, at ang mga utusan mo ang magsasaka ng lupain para sa kanya, at dapat mong dalhin sa kanya ang mga ani para may pagkain ang sambahayan ng amo mo.[a] Pero si Mefiboset naman ay kakaing kasama ko.” (May 15 anak na lalaki at 20 utusan si Ziba.)
11 Sumagot si Ziba sa hari, “Gagawin ko po, Mahal na Hari, ang lahat ng iniutos nʼyo sa akin na inyong lingkod.” Mula noon, palaging kumakain si Mefiboset kasama ni David na parang isa sa mga anak niya. 12 May bata pang anak na lalaki si Mefiboset na nagngangalang Mica. Ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Ziba ay naging utusan ni Mefiboset. 13 At si Mefiboset na lumpo ang dalawang paa ay nanirahan sa Jerusalem, at palagi siyang kumakain kasama ni Haring David.
Footnotes
- 9:10 ang sambahayan ng amo mo: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, ang apo ng amo mo.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
