Add parallel Print Page Options

Tinawag ni David si Ziba at sa harapan niya'y sinabi, “Ibibigay ko sa apo ni Saul ang lahat ng ari-arian niya at ng kanyang sambahayan. 10 Kayo ng iyong mga anak at mga alipin ang magbubungkal ng kanyang lupain. Aalagaan ninyong mabuti upang mag-ani nang sagana at magkaroon ng sapat na pagkain ang sambahayan ng iyong panginoon. Ngunit si Mefiboset[a] ay sa akin sasalo ng pagkain.” Ang mga anak ni Ziba ay labinlima at dalawampu ang kanyang mga alipin.

11 Sumagot si Ziba, “Masusunod pong lahat ang utos ninyo, Kamahalan.”

At mula noo'y kasalo na ni David si Mefiboset,[b] parang tunay na anak niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 9:10 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal .
  2. 2 Samuel 9:11 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal .