2 Samuel 8
Ang Biblia, 2001
Ang mga Tagumpay ni David sa Digmaan(A)
8 Pagkatapos nito, nilupig ni David ang mga Filisteo at pinasuko sila, at kinuha ni David ang Meteg-ama mula sa kamay ng mga Filisteo.
2 Nilupig din niya ang Moab at kanyang pinahiga sila sa lupa at sinukat sila sa pamamagitan ng isang tali. Bawat dalawang sukat ng tali ay ipinapatay, at isang sukat para sa ililigtas. At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David at nagdala ng mga buwis.
3 Nilupig din ni David si Hadadezer na anak ni Rehob, na hari ng Soba, habang siya'y humahayo upang ibalik ang kanyang kapangyarihan sa Ilog Eufrates.
4 Kinuha ni David mula sa kanya ang isanlibo at pitong daang mangangabayo, at dalawampung libong kawal na lakad. At pinilayan ni David ang lahat ng kabayo na pangkarwahe, ngunit nag-iwan siya ng sapat para sa isandaang karwahe.
5 Nang dumating ang mga taga-Siria mula sa Damasco upang tumulong kay Hadadezer na hari sa Soba, pinatay ni David sa mga taga-Siria ang dalawampu't dalawang libong tao.
6 Pagkatapos ay naglagay si David ng mga kuta sa Aram ng Damasco; at ang mga taga-Siria ay naging mga alipin ni David at nagsipagdala ng buwis. At binigyan ng Panginoon si David ng pagtatagumpay saanman siya pumunta.
7 Kinuha ni David ang mga kalasag na ginto na dinala ng mga lingkod ni Hadadezer, at dinala ang mga iyon sa Jerusalem.
8 Mula sa Beta at Berotai na mga bayan ni Hadadezer ay kumuha si Haring David ng napakaraming tanso.
9 Nang mabalitaan ni Toi na hari ng Hamat na nilupig ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,
10 sinugo ni Toi si Joram na kanyang anak kay Haring David upang bumati sa kanya at purihin siya sapagkat siya'y lumaban kay Hadadezer at kanyang nilupig siya. Si Hadadezer ay madalas na lumalaban noon kay Toi. Nagdala si Joram ng mga kagamitang pilak, kagamitang ginto, at mga kagamitang tanso;
11 ang mga ito naman ay itinalaga ni David sa Panginoon na kasama ng pilak at ng ginto na kanyang itinalaga mula sa lahat ng mga bansa na kanyang pinasuko;
12 mula sa Edom, Moab, sa mga Ammonita, sa mga Filisteo, sa Amalek, at sa nasamsam kay Hadadezer na anak ni Rehob na hari sa Soba.
13 At(B) napabantog si David. Nang siya'y bumalik, nakapatay siya ng labingwalong libong mga Edomita sa Libis ng Asin.
14 Naglagay siya ng mga kuta sa Edom; sa buong Edom ay naglagay siya ng mga kuta, at ang lahat ng Edomita ay naging mga alipin ni David. At binigyan ng Panginoon si David ng pagtatagumpay saanman siya pumunta.
15 Kaya't naghari si David sa buong Israel; at naggawad si David ng katarungan at pagkakapantay-pantay sa kanyang buong bayan.
16 At si Joab na anak ni Zeruia ay pinuno ng hukbo; at si Jehoshafat na anak ni Ahilud ay tagapagtala;
17 si Zadok na anak ni Ahitub at si Ahimelec na anak ni Abiatar ay mga pari; at si Seraya ay kalihim;
18 si Benaya na anak ni Jehoiada ay pinuno ng mga Kereteo at Peleteo; at ang mga anak ni David ay mga pari.
2 Samuel 8
English Standard Version
David's Victories
8 (A)After this David defeated the Philistines and subdued them, and David took (B)Metheg-ammah out of the hand of the Philistines.
2 (C)And he defeated Moab and he measured them with a line, making them lie down on the ground. Two lines he measured to be put to death, and one full line to be spared. And the Moabites (D)became servants to David and (E)brought tribute.
3 David also defeated (F)Hadadezer the son of Rehob, king of (G)Zobah, as he went to restore his power at the river Euphrates. 4 (H)And David took from him 1,700 horsemen, and 20,000 foot soldiers. And David (I)hamstrung all the chariot horses but left enough for 100 chariots. 5 (J)And when the (K)Syrians of Damascus came to help (L)Hadadezer king of (M)Zobah, David struck down 22,000 men of the Syrians. 6 Then David put garrisons in Aram of Damascus, and the Syrians (N)became servants to David and brought tribute. (O)And the Lord gave victory to David wherever he went. 7 And David took (P)the shields of gold that were carried by the servants of Hadadezer and brought them to Jerusalem. 8 And from Betah and from Berothai, cities of Hadadezer, King David took very much bronze.
9 When Toi king of (Q)Hamath heard that David had defeated the whole army of Hadadezer, 10 Toi sent his son Joram to King David, to ask about his health and to bless him because he had fought against Hadadezer and defeated him, for Hadadezer had often been at war with Toi. And Joram brought with him articles of silver, of gold, and of bronze. 11 (R)These also King David dedicated to the Lord, together with the silver and gold that he dedicated from all the nations he subdued, 12 from Edom, (S)Moab, (T)the Ammonites, (U)the Philistines, (V)Amalek, and from the spoil of Hadadezer the son of Rehob, king of (W)Zobah.
13 And David made a name for himself when he returned from striking down 18,000 Edomites in (X)the Valley of Salt. 14 Then he put garrisons in Edom; throughout all Edom he put garrisons, (Y)and all the Edomites became David's servants. And the Lord gave victory to David wherever he went.
David's Officials
15 So David reigned over all Israel. And David administered justice and equity to all his people. 16 (Z)Joab the son of Zeruiah was over the army, and (AA)Jehoshaphat the son of Ahilud was recorder, 17 and (AB)Zadok the son of Ahitub and Ahimelech the son of Abiathar were priests, and (AC)Seraiah was secretary, 18 and (AD)Benaiah the son of Jehoiada was over[a] the (AE)Cherethites and the Pelethites, and David's sons were priests.
Footnotes
- 2 Samuel 8:18 Compare 20:23, 1 Chronicles 18:17, Syriac, Targum, Vulgate; Hebrew lacks was over
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.