2 Samuel 7:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking (B)itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
Read full chapter
2 Samuel 7:16
Ang Biblia (1978)
16 At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang (A)iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.
Read full chapter
Mga Awit 132:11
Ang Biblia (1978)
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(A)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
Isaias 9:6-7
Ang Biblia (1978)
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang (A)isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang (B)anak na lalake; at ang (C)pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging (D)Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, (E)Pangulo ng Kapayapaan.
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay (F)hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at (G)upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng (H)sikap ng Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapter
Isaias 16:5
Ang Biblia (1978)
5 At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo (A)roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; (B)na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978