Font Size
2 Samuel 4:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 4:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Isang tanghali, sina Recab at Baana ay pumasok sa tahanan ni Isboset samantalang ito'y namamahinga. 6 Hindi sila namalayang pumasok sapagkat ang babaing bantay-pinto ay nakatulog dahil sa pagod sa paglilinis ng trigo.[a] 7 Kaya't tuluy-tuloy sila sa silid ni Isboset at pinatay nila habang ito'y natutulog. Pinutol nila ang kanyang ulo saka sila tumakas. Magdamag silang naglakbay sa lupain ng Araba patungo sa Hebron.
Read full chapterFootnotes
- 6 Ang talatang 6 ay mula sa isang matandang salin; sa tekstong Hebreo ay Pumasok sila sa loob ng bahay dala-dala ang trigo, at sinaksak siya sa tiyan. Pagkatapos, si Recab at Baana ay tumakas .