Font Size
2 Samuel 24:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Samuel 24:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Kaya sinabi ni Haring David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Puntahan nʼyo ang lahat ng lahi ng Israel, mula Dan hanggang sa Beersheba,[a] at isensus nʼyo ang mga mamamayan, para malaman ko kung ilan silang lahat.” 3 Pero sumagot si Joab sa hari, “Paramihin sana ng Panginoon na inyong Dios ang mga tauhan nʼyo ng 100 beses, at makita nʼyo sana ito. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito?” 4 Ngunit nagpumilit si David, kaya lumakad si Joab at ang mga opisyal ng mga sundalo para isensus ang mga mamamayan ng Israel.
Read full chapterFootnotes
- 24:2 mula Dan hanggang sa Beersheba: Ang ibig sabihin, ang buong sambayanan ng Israel.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®