Add parallel Print Page Options

18 At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruia ay pinuno ng tatlumpu.[a] At kanyang ginamit ang kanyang sibat laban sa tatlong daan at kanyang pinatay sila, at nagkamit ng pangalan bukod sa tatlo.

19 Siya ang pinakabantog sa tatlumpu,[b] at naging kanilang pinuno; subalit hindi siya umabot sa tatlo.

20 Si Benaya, na anak ni Jehoiada ay isang matapang na lalaki na taga-Kabzeel, isang gumagawa ng mga dakilang gawa; na kanyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel[c] ng Moab. Siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa isang hukay nang araw na bumagsak ang niyebe.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 23:18 Sa ibang kasulatan ay tatlo .
  2. 2 Samuel 23:19 Sa ibang kasulatan ay tatlo .
  3. 2 Samuel 23:20 Sa Hebreo ay walang anak ni…