Add parallel Print Page Options

Pinatay ang mga Anak ni Saul

21 Samantala, nagkaroon ng taggutom sa mga araw ni David, taun-taon sa loob ng tatlong taon; at nag-usisa si David sa Panginoon. At sinabi ng Panginoon, “May pagkakasala kay Saul at sa kanyang sambahayan, sapagkat kanyang ipinapatay ang mga Gibeonita.”

Kaya't(A) tinawag ng hari ang mga Gibeonita. Ang mga Gibeonita ay hindi mga anak ni Israel, kundi mula sa nalabi sa mga Amoreo. Bagaman ang mga anak ni Israel ay sumumpang iligtas sila, pinagsikapan ni Saul na patayin sila dahil sa kanyang sigasig para sa bayan ng Israel at Juda.

At sinabi ni David sa mga Gibeonita, “Ano ang gagawin ko para sa inyo? At paano ko matutubos, upang inyong mabasbasan ang pamana ng Panginoon?”

Sinabi ng mga Gibeonita sa kanya, “Hindi tungkol sa pilak o ginto ang namamagitan sa amin at kay Saul, o sa kanyang sambahayan. Hindi rin para sa amin na patayin ang sinumang tao sa Israel.” At kanyang sinabi, “Anumang sabihin ninyo ay aking gagawin sa inyo!”

Kanilang sinabi sa hari, “Ang lalaking pumuksa sa amin at nagpanukalang lipulin kami, upang huwag kaming magkaroon ng lugar sa buong nasasakupan ng Israel,

ay ibigay sa amin ang pito sa kanyang mga anak, upang aming ibitin sila sa harapan ng Panginoon sa Gibeon sa bundok ng Panginoon.” At sinabi ng hari, “Ibibigay ko sila.”

Ngunit(B) iniligtas ng hari si Mefiboset na anak ni Jonathan, na anak ni Saul, dahil sa panata ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kina David at Jonathan na anak ni Saul.

Kinuha(C) ng hari ang dalawang anak ni Rispa, na anak ni Aya, na kanyang ipinanganak kay Saul, sina Armoni at Mefiboset at ang limang anak ni Mical na anak na babae ni Saul na kanyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzilai, na Meholatita;

at kanyang ibinigay sila sa mga kamay ng mga Gibeonita at kanilang ibinitin sila sa bundok sa harapan ng Panginoon, at magkakasamang namatay ang pito. Sila'y pinatay sa mga unang mga araw ng pag-aani, sa pasimula ng pag-aani ng sebada.

10 Kumuha si Rispa na anak ni Aya ng isang magaspang na tela, at inilatag para sa kanyang sarili sa ibabaw ng bato, mula sa pasimula ng pag-aani hanggang sa ang ulan ay bumuhos mula sa langit. Hindi niya hinayaan ang mga ibon sa himpapawid na dumapo kapag araw o ang mga hayop sa parang kapag gabi.

11 Nang sabihin kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aya, na babae ni Saul,

12 humayo(D) si David at kinuha ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak sa mga lalaki ng Jabes-gilead, na siyang nagnanakaw ng mga iyon sa liwasang-bayan ng Bet-shan, sa lugar na pinagbitinan sa kanila ng mga Filisteo, nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa.

13 Kanyang kinuha mula roon ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak; at kanilang tinipon ang mga buto ng mga ibinitin.

14 Kanilang ibinaon ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak sa lupain ng Benjamin sa Zela, sa libingan ni Kish na kanyang ama; at kanilang tinupad ang lahat na iniutos ng hari. Pagkatapos, ang Diyos ay tumugon sa dalangin para sa lupain.

Mga Pakikidigma Laban sa mga Filisteo

15 Ang mga Filisteo ay muling nakipagdigma sa Israel; at si David ay lumusong kasama ang kanyang mga lingkod at sila'y lumaban sa mga Filisteo; at si David ay napagod.

16 At si Isbibenob, na isa sa mga anak ng higante na ang bigat ng kanyang sibat ay tatlongdaang siklong tanso, na may bigkis ng bagong tabak ay nagpanukalang patayin si David.

17 Ngunit(E) sinaklolohan siya ni Abisai na anak ni Zeruia, at sinalakay ang Filisteo at pinatay siya. Nang magkagayo'y sumumpa sa kanya ang mga tauhan ni David, “Hindi ka na lalabas pang kasama namin sa labanan, baka mo patayin ang tanglaw ng Israel.”

18 Pagkatapos nito, muling nagkaroon ng pakikipaglaban sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y pinatay ni Shibecai na Husatita si Saf, na isa sa mga anak ng higante.

19 Muling nagkaroon ng pakikipaglaban sa mga Filisteo sa Gob; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaareoregim, na taga-Bethlehem, si Goliat na Geteo, na ang puluhan ng kanyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi.

20 At muling nagkaroon ng labanan sa Gat, na roo'y may isang lalaking napakatangkad, na sa bawat kamay ay may anim na daliri, at sa bawat paa'y may anim na daliri, na dalawampu't apat ang bilang. Siya man ay mula sa mga higante.

21 Nang kanyang tuyain ang Israel, pinatay siya ni Jonathan na anak ni Shimei, na kapatid ni David.

22 Ang apat na ito ay buhat sa lahi ng higante sa Gat; at sila'y nabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at ng kamay ng kanyang mga lingkod.

Avenging the Gibeonites

21 There was a famine for three years in a row during David’s rule. David asked the Lord about this, and the Lord said, “It is caused by Saul and his household, who are guilty of bloodshed because he killed the people of Gibeon.” So the king called for the Gibeonites and spoke to them.

(Now the Gibeonites weren’t Israelites but were survivors of the Amorites. The Israelites had sworn a solemn pledge to spare them, but Saul tried to eliminate them in his enthusiasm for the people of Israel and Judah.)

David said to the Gibeonites, “What can I do for you? How can I fix matters so you can benefit from the Lord’s inheritance?”

The Gibeonites said to him, “We don’t want any silver or gold from Saul or his family, and it isn’t our right to have anyone in Israel killed.”

“What do you want?”[a] David asked. “I’ll do it for you.”

“Okay then,” they said to the king. “That man who opposed and oppressed[b] us, who planned to destroy us, keeping us from having a place to live anywhere in Israel— hand over seven of his sons to us, and we will hang them before the Lord at Gibeon[c] on the Lord’s mountain.”

“I will hand them over,” the king said.

But the king spared Mephibosheth, Jonathan’s son and Saul’s grandson, because of the Lord’s solemn pledge that was between them—between David and Saul’s son Jonathan. So the king took the two sons of Aiah’s daughter Rizpah, Armoni and Mephibosheth, whom she had birthed for Saul; and the five sons of Saul’s daughter Merab,[d] whom she birthed for Adriel, Barzillai’s son, who was from Meholah, and he handed them over to the Gibeonites. They hanged them on the mountain before the Lord. The seven of them died at the same time. They were executed in the first days of the harvest, at the beginning of the barley harvest.

10 Aiah’s daughter Rizpah took funeral clothing and spread it out by herself on a rock. She stayed there from the beginning of the harvest until the rains poured down on the bodies from the sky, and she wouldn’t let any birds of prey land on the bodies during the day or let wild animals come at nighttime. 11 When David was told what Aiah’s daughter Rizpah, Saul’s secondary wife, had done, 12 he went and retrieved the bones of Saul and his son Jonathan from the citizens of Jabesh-gilead, who had stolen the bones from the public square in Beth-shan, where the Philistines had hanged them on the day the Philistines killed Saul at Gilboa. 13 David brought the bones of Saul and his son Jonathan from there and collected the bones of the men who had been hanged by the Gibeonites. 14 The bones of Saul and his son Jonathan were then buried in Zela, in Benjaminite territory, in the tomb of Saul’s father Kish. Once everything the king had commanded was done, God responded to prayers for the land.

War with the Philistines

15 Once again war broke out between the Philistines and Israel. David and the soldiers who were with him went down and fought the Philistines. When David grew tired, 16 Ishbi-benob, a descendant of the Raphah,[e] planned on killing David.[f] The weight of his spear was three hundred shekels of bronze, and he was wearing new armor. 17 But Zeruiah’s son Abishai came to David’s aid, striking the Philistine down and killing him. Then David’s men swore a solemn pledge to him: “You will never march out to battle with us again! You must not snuff out Israel’s lamp!”

18 Some time later, another battle with the Philistines took place at Gob. Then Sibbecai from Hushah killed Saph, a descendant of the Raphah. 19 There was yet another battle with the Philistines at Gob; and Elhanan, Jair’s son[g] from Bethlehem, killed Goliath from Gath, whose spear shaft was as strong as the bar on a weaver’s loom. 20 In another battle at Gath, there was a huge[h] man who had six fingers on his hands and six toes on his feet, twenty-four in all. He too was descended from the Raphah. 21 When he insulted Israel, Jonathan, who was the son of David’s brother Shimei, killed him. 22 These four Philistines were descended from the Raphah in Gath, and they fell by the hands of David and his servants.

Footnotes

  1. 2 Samuel 21:4 LXXL, OL; MT What are you saying?
  2. 2 Samuel 21:5 LXXB; MT annihilated us
  3. 2 Samuel 21:6 Correction; cf LXX and 21:9; MT at Gibeah of Saul, the Lord’s chosen one
  4. 2 Samuel 21:8 LXXLN; MT Michal (but cf 2 Sam 6:23)
  5. 2 Samuel 21:16 Or giants; also in 21:18, 20, 22
  6. 2 Samuel 21:16 LXX Joash’s son Dodo, a descendant of the Raphah (see previous note), captured David.
  7. 2 Samuel 21:19 See 1 Chron 20:5, LXXLMN (cf 2 Sam 23:24); Heb Jaare-oregim.
  8. 2 Samuel 21:20 See 1 Chron 20:6; MT a Midianite or a combative man.