Add parallel Print Page Options

18 At nangyari, pagkatapos nito, na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y sinaktan ni Sibechai na Husathita si Saph, na sa mga anak ng higante.

19 At nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim, na Bethlehemita, si Goliath na Getheo, na ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi.

20 At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa Gath, na doo'y may isang lalaking lubhang mataas, na mayroon sa bawa't kamay na anim na daliri, at sa bawa't paa'y anim na daliri, na dalawang pu't apat sa bilang: at siya ay ipinanganak din sa higante.

Read full chapter