Add parallel Print Page Options

17 Paglapit ni Joab, tinanong siya ng babae, “Kayo po ba si Joab?”

“Ako nga,” sagot nito.

“Pakinggan po ninyo ang aking sasabihin,” sabi ng babae.

“Sige, nakikinig ako,” wika naman ni Joab.

18 “Noong araw,” sabi ng babae, “mayroon pong ganitong kasabihan: ‘Magtanong ka sa lunsod ng Abel’, at ganoon nga ang ginagawa ng mga tao noon upang malutas ang kanilang suliranin. 19 Sa buong Israel ang lunsod pong ito ay maituturing na pinakatahimik at tapat. Siya'y tulad ng isang mapag-arugang ina sa Israel. Bakit gusto ninyo itong gibain? Bakit ninyo wawasakin ang lunsod na ipinamana ni Yahweh?”

Read full chapter