Add parallel Print Page Options

Si David ay Naging Hari ng Juda

Pagkaraan ng lahat ng ito, sumangguni si David kay Yahweh. “Pupunta po ba ako sa isa sa mga lunsod ng Juda?” tanong niya.

“Lumakad ka,” sagot sa kanya ni Yahweh.

“Saan pong lunsod?” tanong ni David.

“Sa Hebron,” sagot ni Yahweh. Kaya't(A) lumakad si David kasama ang dalawa niyang asawa, sina Ahinoam na Jezreelita, at si Abigail, ang biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Isinama rin ni David ang kanyang mga tauhan pati ang kani-kanilang pamilya. Dumating(B) sa Hebron ang mga taga-Juda at binuhusan nila ng langis si David bilang hari ng Juda.

Nang sabihin nila kay David, “Ang mga taga-Jabes-gilead ang naglibing kay Saul,”

Read full chapter

11 Naghari si David roon sa loob ng pito't kalahating taon habang siya'y nanirahan sa Hebron.

Read full chapter

Sa Hebron, pitong taon at kalahati siyang namuno sa Juda. Sa Jerusalem naman ay tatlumpu't tatlong taon siyang naghari sa buong Israel at Juda.

Read full chapter

11 Apatnapung(A) taon siyang naghari: pitong taon sa Hebron at tatlumpu't tatlong taon naman sa Jerusalem.

Read full chapter

Anim(A) ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon ng paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem.

Read full chapter

Naging Hari si David(A)

11 Ang buong sambayanang Israel ay nagpunta kay David sa Hebron. “Kami ay dugo ng iyong dugo at laman ng iyong laman,” sabi nila. “Nang panahong hari si Saul, pinangunahan mo ang hukbo ng Israel sa pakikipaglaban, at ibinabalik mo silang muli. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos ang ganito: ‘Ikaw ang magiging pastol ng aking bayang Israel. Ikaw ang mamumuno sa kanila.’” Lahat ng pinuno ng Israel ay pumunta sa Hebron, at sa harapan ni Yahweh ay gumawa si David ng kasunduan sa kanila. Binuhusan nila ito ng langis, at itinanghal na hari ng Israel. Kaya't natupad ang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Samuel.

Read full chapter