2 Samuel 19
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
19 May nagsabi kay Joab na umiiyak ang hari at nagluluksa dahil kay Absalom. 2 Nang marinig ito ng mga sundalo, natigil ang kasayahan ng kanilang tagumpay at napalitan ito ng pagluluksa. 3 Tahimik silang bumalik sa lungsod ng Mahanaim, gaya ng mga sundalong nahihiya dahil tumakas mula sa labanan. 4 Tinakpan ni David ang mukha niya at umiyak nang labis, “O Absalom, anak ko, anak ko!”
5 Pumunta si Joab sa bahay ng hari at sinabi, “Ipinahiya nʼyo ngayon ang mga tauhan ninyong nagligtas sa buhay nʼyo at sa buhay ng mga anak at asawa ninyo. 6 Minamahal nʼyo ang mga napopoot sa inyo, at kinapopootan ang mga nagmamahal sa inyo. Malinaw po na hindi nʼyo pinapahalagahan ang mga opisyal at tauhan ninyo. Sa tingin ko, mas masisiyahan pa kayo kung namatay kaming lahat at nabuhay si Absalom. 7 Lumabas po kayo ngayon at pasalamatan ang mga tauhan ninyo. Dahil kung hindi, isinusumpa ko sa Panginoon na wala ni isa sa kanilang maiiwan na kasama nʼyo ngayong gabi. Ito ang pinakamasamang mangyayari sa inyo mula noon hanggang ngayon.” 8 Kaya tumayo si David at umupo sa may pintuan ng lungsod. Nang malaman ito ng mga tao, nagtipon silang lahat sa kanya.
Bumalik si David sa Jerusalem
Samantala, tumakas pauwi ang mga sundalo ng Israel na mga tauhan ni Absalom. 9 Nagtalo-talo ang mga tao sa buong Israel. Sinabi nila, “Iniligtas tayo ni Haring David sa kamay ng mga Filisteo, pero tumakas siya sa bayan natin dahil kay Absalom. 10 Pinili nating maging hari si Absalom, pero napatay naman siya sa labanan. Bakit hindi tayo humanap ng paraan para mapabalik natin si David bilang hari?”
11-12 Nang mabalitaan ni Haring David ang pinag-usapan nila, nagpadala siya ng mensahe sa mga paring sina Zadok at Abiatar, na sinasabi, “Sabihin nʼyo ito sa mga tagapamahala ng Juda: ‘Nabalitaan kong gusto ng inyong mga mamamayan na ibalik ako bilang hari, at kayo pa ang huling nagpasya na pabalikin ako sa aking trono? Hindi baʼt mga kamag-anak at kalahi ko kayo?’ 13 At sabihin nʼyo rin ito kay Amasa, ‘Dahil kalahi kita, gagawin kitang kumander ng mga sundalo ko kapalit ni Joab. Kung hindi ko ito gagawin, parusahan sana ako nang matindi ng Dios.’ ”
14 Napapayag ni David ang mga taga-Juda at nagkaisa sila sa kanilang desisyon. At ipinasabi nila kay David, “Bumalik po kayo rito at ang lahat ng tauhan ninyo.”
15 Habang pabalik si David, sinalubong siya ng mga mamamayan ng Juda roon sa Ilog ng Jordan. Ang mga taong itoʼy nagtipon sa Gilgal para samahan siya sa pagtawid sa ilog. 16 Nagmamadaling sumama sa pagsalubong kay David si Shimei na anak ni Gera, isang Benjaminita galing Bahurim. 17 May kasama siyang 1,000 Benjaminita, kasama na rito si Ziba na katiwala ng sambahayan ni Saul, at ang 15 nitong anak na lalaki at 20 utusan. Nagmamadali nilang sinalubong si David sa Ilog ng Jordan. 18 Tinulungan nilang lahat si David at ang sambahayan niya sa pagtawid ng ilog, at sinunod nila ang anumang gustuhin ni David.
Pinatawad ni David si Shimei
Nang patawid pa lang ng Ilog ng Jordan si David, nagpatirapa si Shimei sa harapan niya bilang paggalang, 19 at sinabi, “Mahal na Hari, patawarin nʼyo po ako. Kalimutan nʼyo na po sana ang masamang ginawa ko sa inyo noong umalis kayo sa Jerusalem. 20 Inaamin ko po na nagkasala ako, Mahal na Hari. Kaya nga nauna akong dumating dito kaysa sa ibang mga lahi sa hilaga[a] para salubungin kayo.”
21 Pagkatapos, sinabi ni Abishai na anak ni Zeruya, “Hindi baʼt dapat patayin si Shimei dahil isinumpa niya ang piniling hari ng Panginoon?” 22 Pero sinabi ni David, “Kayong mga anak ni Zeruya, ano ang pakialam nʼyo? Huwag na ninyong salungatin ang desisyon ko. Ako na ngayon ang hari ng Israel, at walang taong papatayin sa Israel sa araw na ito.” 23 Kaya sinabi ni David kay Shimei, “Isinusumpa ko na hindi ka papatayin.”
24-25 Pumunta rin doon si Mefiboset na apo ni Saul para salubungin si David. Galing siya sa Jerusalem. Hindi pa siya nakakapaghugas ng paa, nakakapag-ahit ng balbas, at nakakapagpalit ng damit niya mula nang umalis si David sa Jerusalem hanggang sa matagumpay na nakabalik ito. Nang makarating siya roon, tinanong siya ni David, “Mefiboset, bakit hindi ka sumama sa akin?” 26 Sumagot siya, “Mahal na Hari, alam ninyong lumpo ako. Sinabihan ko ang utusan kong si Ziba na ihanda ang asno para makasakay ako at makasama sa inyo pero nagtraydor siya sa akin. 27 At siniraan niya po ako sa inyo na hindi ako sasama. Pero nalalaman nʼyo ang totoo dahil katulad kayo ng anghel ng Dios, kaya gawin nʼyo kung ano sa tingin nʼyo ang mabuti. 28 Dapat ay papatayin nʼyo na ang buong angkan ng lolo ko pero binigyan nʼyo ako ng karapatang kumain kasama ninyo. Kaya wala na po akong karapatan pang humingi sa inyo ng pabor.” 29 Sinabi ni David sa kanya, “Huwag na nating pag-usapan ito. Nakapagdesisyon na akong paghatian nʼyo ni Ziba ang lupain ni Saul.” 30 Sinabi ni Mefiboset sa hari, “Ibigay nʼyo na lang po sa kanya lahat. Kontento na akong nakauwi kayo nang ligtas.”
Ang Kabaitan ni David kay Barzilai
31 Pumunta rin kay David si Barzilai na taga-Gilead galing sa Rogelim. Gusto rin niyang tumulong kina Haring David sa pagtawid sa Ilog ng Jordan. 32 Matanda na si Barzilai; 80 taong gulang na siya. Mayaman siya at siya ang nagbibigay ng mga kailangan ni David noong doon pa ito nakatira sa Mahanaim. 33 Sinabi sa kanya ni David, “Sumama kang tumawid sa akin at manirahan ka na rin sa Jerusalem. Ako ang bahala sa iyo roon.” 34 Pero sumagot si Barzilai, “Hindi na po magtatagal ang buhay ko, bakit pa ako sasama sa inyo sa Jerusalem? 35 Ako po ay 80 taong gulang na, at hindi ko na malaman ang ipinagkaiba ng masarap at hindi masarap. Hindi ko na malasahan ang kinakain at iniinom ko. Hindi ko na marinig ang mga umaawit. Magiging pabigat lang ako sa inyo, Mahal na Hari. 36 Maliit na bagay lang po ang paghahatid ko sa inyo sa Jordan, bakit kailangan nʼyo pa akong gantihan ng ganitong gantimpala? 37 Uuwi na lang ako, para kapag namatay ako, doon ako mamamatay sa sarili kong bayan, kung saan inilibing ang mga magulang ko. Narito ang anak kong si Kimham na magsisilbi sa inyo. Isama nʼyo siya, Mahal na Hari at gawin nʼyo kung ano sa tingin ninyo ang makakabuti sa kanya.” 38 Sumagot ang hari, “Isasama ko siya at gagawin sa kanya ang anumang kabutihang gagawin ko sana sa iyo, at gagawin ko ang anumang hilingin mo sa akin.” 39 Niyakap ni David si Barzilai at binasbasan. Pagkatapos, tumawid si David at ang mga tauhan niya sa Ilog ng Jordan, at umuwi si Barzilai sa bahay niya.
40 Nang makatawid na si David, pumunta siya sa Gilgal kasama si Kimham at ang buong hukbo ng Juda at kalahati ng hukbo ng Israel.
41 Nagpunta ang buong hukbo ng Israel sa hari at nagreklamo kung bakit ang mga kadugo nilang taga-Juda ang nanguna sa pagpapatawid sa kanya at sa sambahayan niya, at sa lahat ng tauhan niya. 42 Sumagot ang mga taga-Juda sa mga sundalo ng Israel, “Ginawa namin ito dahil ang hari ay malapit naming kamag-anak. Bakit kayo nagagalit? Nakatanggap ba kami ng pagkain o anumang regalo galing sa kanya? Hindi!” 43 Sumagot ang mga taga-Israel, “Sampu kaming lahi ng Israel kaya sampung beses ang karapatan namin sa hari kaysa sa inyo. Bakit ang baba ng tingin nʼyo sa amin? Hindi baʼt kami ang unang nagsabi na pabalikin natin ang ating hari?” Pero ayaw magpaawat ng mga taga-Juda, at masasakit na salita ang isinasagot nila sa mga taga-Israel.
Footnotes
- 19:20 ibang mga lahi sa hilaga: sa literal, ang buong lahi ni Jose.
2 Samuel 19
Cornilescu 1924 - Revised 2010, 2014
Jalea împăratului
19 Au venit şi au spus lui Ioab: „Iată că împăratul plânge şi se jeleşte din pricina lui Absalom.” 2 Şi, în ziua aceea, biruinţa s-a prefăcut în jale pentru tot poporul, căci în ziua aceea, poporul auzea zicându-se: „Împăratul este mâhnit din pricina fiului său.” 3 În aceeaşi zi, poporul a intrat în cetate(A) pe furiş, ca nişte oameni ruşinaţi că au fugit din luptă. 4 Împăratul îşi acoperise(B) faţa şi striga în gura mare: „Fiul(C) meu Absalom! Absalom, fiul meu, fiul meu!” 5 Ioab a intrat în odaia unde era împăratul şi a zis: „Tu acoperi azi de ruşine faţa tuturor slujitorilor tăi, care au scăpat azi viaţa ta, a fiilor tăi şi a fetelor tale, a nevestelor tale şi a ţiitoarelor tale. 6 Tu iubeşti pe cei ce te urăsc şi urăşti pe cei ce te iubesc, căci arăţi azi că pentru tine nu sunt nici căpetenii, nici slujitori, şi văd acum că, dacă ar trăi Absalom şi noi toţi am fi murit în ziua aceasta, lucrul acesta ţi-ar fi plăcut. 7 Scoală-te dar, ieşi şi vorbeşte după inima slujitorilor tăi! Căci jur pe Domnul că, dacă nu ieşi să te arăţi, nu va rămâne un om cu tine în noaptea aceasta, şi aceasta va fi o nenorocire mai rea pentru tine decât toate nenorocirile care ţi s-au întâmplat din tinereţe până acum.” 8 Atunci, împăratul s-a sculat şi a şezut la poartă. Au spus tot poporului: „Iată că împăratul stă la poartă.” Şi tot poporul a venit înaintea împăratului.
Întoarcerea împăratului la Ierusalim
Însă Israel fugise fiecare în cortul lui. 9 Şi în toate seminţiile lui Israel, tot poporul se certa zicând: „Împăratul ne-a izbăvit din mâna vrăjmaşilor noştri, el ne-a scăpat din mâna filistenilor, şi acum a trebuit să fugă(D) din ţară dinaintea lui Absalom. 10 Şi Absalom, pe care-l unsesem să domnească peste noi, a murit în bătălie. De ce nu puneţi o vorbă pentru întoarcerea împăratului?” 11 La rândul său, împăratul David a trimis să spună preoţilor Ţadoc şi Abiatar: „Vorbiţi bătrânilor lui Iuda şi spuneţi-le: ‘Pentru ce aţi fi voi cei din urmă pentru întoarcerea împăratului în casa lui? (Căci ce se spunea în tot Israelul ajunsese până la împărat.) 12 Voi sunteţi fraţii mei, sunteţi os(E) din oasele mele şi carne din carnea mea. Pentru ce aţi fi voi cei din urmă pentru aducerea împăratului înapoi?’ 13 Şi lui Amasa(F) spuneţi-i aşa: ‘Nu eşti tu oare os din oasele mele şi carne din carnea mea? Să mă pedepsească(G) Dumnezeu cu toată asprimea dacă nu vei fi înaintea mea pentru totdeauna căpetenia oştirii în locul lui Ioab!’ ” 14 David a înmuiat inima tuturor celor din Iuda, de parcă ar fi fost un singur(H) om, şi au trimis să spună împăratului: „Întoarce-te, tu şi toţi slujitorii tăi.” 15 Împăratul s-a întors şi a ajuns până la Iordan. Şi Iuda s-a dus la Ghilgal(I), ca să iasă înaintea împăratului şi să-l facă să treacă Iordanul.
Bunătatea lui David faţă de Şimei
16 Şimei(J), fiul lui Ghera, Beniamitul, care era din Bahurim, s-a grăbit să se pogoare cu cei din Iuda înaintea împăratului David. 17 Avea cu el o mie de oameni din Beniamin şi pe Ţiba(K), mai-marele casei lui Saul, şi pe cei cincisprezece fii şi pe cei douăzeci de robi ai lui Ţiba. Au trecut Iordanul în faţa împăratului. 18 Luntrea, pusă la îndemâna împăratului, tocmai pornise ca să-i treacă şi casa dincolo, şi în clipa când era să treacă împăratul Iordanul, Şimei, fiul lui Ghera, s-a închinat înaintea lui. 19 Şi a zis împăratului: „Să nu ţină seamă(L) domnul meu de nelegiuirea mea(M), să uite că robul tău l-a ocărât în ziua când împăratul, domnul meu, ieşea din Ierusalim şi să nu ţină seamă(N) împăratul de lucrul acesta! 20 Căci robul tău mărturiseşte că a păcătuit. Şi iată, vin astăzi, cel dintâi din toată casa lui Iosif(O), înaintea împăratului, domnul meu.” 21 Atunci, Abişai, fiul Ţeruiei, a luat cuvântul şi a zis: „Nu trebuie oare să moară Şimei pentru că a blestemat(P) pe unsul Domnului?” 22 Dar David a zis: „Ce(Q) am eu cu voi, fiii Ţeruiei, şi pentru ce vă arătaţi astăzi potrivnicii mei? Astăzi să se omoare(R) oare vreun om în Israel? Nu ştiu eu că împărăţesc azi peste Israel?” 23 Şi împăratul(S) a zis lui Şimei: „Nu vei muri!” Împăratul i-a jurat că nu-l va omorî.
Bunătatea lui David faţă de Mefiboşet
24 Mefiboşet(T), fiul lui Saul, s-a pogorât şi el înaintea împăratului. Nu-şi îngrijise nici picioarele, nici barba, nici nu-şi spălase hainele din ziua când plecase împăratul până în ziua când se întorcea în pace. 25 Când s-a dus înaintea împăratului la Ierusalim, împăratul i-a zis: „Pentru ce n-ai venit(U) cu mine, Mefiboşet?” 26 Şi el a răspuns: „Împărate, domnul meu, slujitorul meu m-a înşelat, căci robul tău, care este olog, zisese: ‘Voi pune şaua pe măgar, voi încăleca pe el şi voi merge cu împăratul.’ 27 Şi el a(V) înnegrit pe robul tău la domnul meu, împăratul. Dar domnul meu(W), împăratul, este ca un înger al lui Dumnezeu. Fă ce vei crede. 28 Căci toţi cei din casa tatălui meu au fost nişte oameni vrednici de moarte înaintea împăratului, domnul meu, şi totuşi(X) tu ai pus pe robul tău în rândul celor ce mănâncă la masă cu tine. Ce drept mai pot avea eu şi ce am să cer eu împăratului?” 29 Împăratul i-a zis: „Ce mai vorbeşti atâta? Am spus: ‘Tu şi Ţiba veţi împărţi pământurile’.” 30 Şi Mefiboşet a zis împăratului: „Să ia chiar totul, căci împăratul, domnul meu, se întoarce în pace acasă.”
Mulţumirea lui David faţă de Barzilai
31 Barzilai(Y), Galaaditul, s-a pogorât din Roghelim şi a trecut Iordanul împreună cu împăratul, ca să-l petreacă până dincolo de Iordan. 32 Barzilai era foarte bătrân, în vârstă de optzeci de ani. El îngrijise(Z) de împărat în timpul şederii lui la Mahanaim, căci era un om foarte bogat. 33 Împăratul a zis lui Barzilai: „Vino cu mine, şi te voi hrăni la mine în Ierusalim.” 34 Dar Barzilai a răspuns împăratului: „Câţi ani voi mai trăi, ca să mă sui cu împăratul la Ierusalim? 35 Eu sunt astăzi în vârstă de optzeci de ani(AA). Pot eu să mai cunosc ce este bun şi ce este rău? Poate robul tău să mai aibă vreun gust pentru ce mănâncă şi bea? Pot eu să mai aud glasul cântăreţilor şi cântăreţelor? Şi pentru ce să mai fie robul tău o povară pentru domnul meu, împăratul? 36 Robul tău va merge puţin dincolo de Iordan cu împăratul. De altfel, pentru ce mi-ar face împăratul această binefacere? 37 Să se întoarcă robul tău şi să mor în cetatea mea, lângă mormântul tatălui meu şi al mamei mele! Dar iată că robul tău Chimham(AB) va trece cu împăratul, domnul meu; fă ce vei crede pentru el.” 38 Împăratul a zis: „Chimham să treacă împreună cu mine şi voi face pentru el ce vei vrea; tot ce vei dori de la mine, îţi voi da!” 39 După ce tot poporul a trecut Iordanul şi după ce l-a trecut şi împăratul, împăratul a sărutat(AC) pe Barzilai şi l-a binecuvântat. Şi Barzilai s-a întors acasă. 40 Împăratul s-a îndreptat spre Ghilgal, însoţit de Chimham. Tot poporul lui Iuda şi jumătate din poporul lui Israel petrecuseră pe împărat dincolo de Iordan. 41 Dar toţi bărbaţii lui Israel au venit la împărat şi i-au zis: „Pentru ce te-au furat fraţii noştri, bărbaţii lui Iuda, şi au trecut(AD) pe împărat peste Iordan, împreună cu casa lui şi cu toţi oamenii lui David?” 42 Toţi bărbaţii lui Iuda au răspuns bărbaţilor lui Israel: „Fiindcă împăratul ne este(AE) rudă. Şi ce aţi găsit aici, ca să vă mâniaţi? Am trăit noi pe cheltuiala împăratului? Ne-a făcut el daruri?” 43 Şi bărbaţii lui Israel au răspuns bărbaţilor lui Iuda: „Împăratul este de zece ori mai mult al nostru şi chiar la David avem mai mult drept decât voi. Pentru ce ne-aţi nesocotit? N-am fost noi cei dintâi care am spus să se întoarcă împăratul nostru?” Şi bărbaţii lui Iuda au vorbit(AF) cu mai multă asprime decât bărbaţii lui Israel.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright of the Cornilescu Bible © 1924 belongs to British and Foreign Bible Society. Copyright © 2010, 2014 of the revised edition in Romanian language belongs to the Interconfessional Bible Society of Romania, with the approval of the British and Foreign Bible Society.
