Add parallel Print Page Options

27 At siniraan niya po ako sa inyo na hindi ako sasama. Pero nalalaman nʼyo ang totoo dahil katulad kayo ng anghel ng Dios, kaya gawin nʼyo kung ano sa tingin nʼyo ang mabuti. 28 Dapat ay papatayin nʼyo na ang buong angkan ng lolo ko pero binigyan nʼyo ako ng karapatang kumain kasama ninyo. Kaya wala na po akong karapatan pang humingi sa inyo ng pabor.” 29 Sinabi ni David sa kanya, “Huwag na nating pag-usapan ito. Nakapagdesisyon na akong paghatian nʼyo ni Ziba ang lupain ni Saul.”

Read full chapter