Font Size
2 Samuel 19:22-24
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 19:22-24
Magandang Balita Biblia
22 Nagsalita ang hari, “Sino bang humihingi ng payo ninyo, mga anak ni Zeruias? Bakit ninyo ako pinangungunahan? Ako ngayon ang hari ng buong Israel, at isinusumpa ko: Walang sinumang papatayin sa Israel ngayon!” 23 Pagkatapos, sinabi ng hari kay Simei, “Nangangako akong hindi ka papatayin.”
Ang Kagandahang-loob ni David kay Mefiboset
24 Si(A) Mefiboset na apo ni Saul ay sumalubong din sa hari. Mula nang umalis si David hanggang sa matagumpay niyang pagbabalik, hindi naghugas ng paa si Mefiboset ni nagputol ng balbas o naglaba ng kanyang damit.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.