Add parallel Print Page Options

Narito, siya'y nagkukubli ngayon sa isang hukay o sa ibang dako: at mangyayari, na pagka ang ilan sa kanila ay nabuwal sa pasimula, sinomang makarinig ay magsasabi, May patayan sa bayang sumusunod kay Absalom.

10 At pati ng matapang, na ang puso ay gaya ng puso ng leon, ay lubos na (A)manglulupaypay: sapagka't kilala ng buong Israel na ang iyong ama ay makapangyarihang lalake, at sila na nasa kaniya ay matatapang na lalake.

11 Nguni't aking ipinapayo na ang buong Israel ay mapisan sa iyo, mula sa (B)Dan hanggang sa Beer-seba, na (C)gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat ang dami; at ikaw ay pumaroon sa pagbabaka ng iyong sariling pagkatao.

Read full chapter