Add parallel Print Page Options

At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake:

(A)Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong (B)dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik.

Kabutihan ni David kay Semei.

Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari, Bakit (C)susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari? payaunin mo ako, isinasamo ko sa iyo, at pugutin ang kaniyang ulo.

Read full chapter