Add parallel Print Page Options

Ang pagbubulaan ni Siba tungkol kay Mephiboseth.

16 At nang si (A)David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si (B)Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang (C)kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak.

At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng (D)nangapapagod sa ilang.

Read full chapter