Add parallel Print Page Options

19 Nang makita ng hari si Itai, tinawag ito at sinabi, “Kasama ka rin pala! Mabuti pa'y bumalik ka na sa Jerusalem at hintayin mo roon ang bagong hari. Ikaw ay dayuhan lamang na ipinatapon dito ng inyong bansa. 20 Hindi ka pa nagtatagal dito, at hindi ka dapat sumama sa aming paglalagalag. Hindi ko alam kung saan ito hahantong. Isama mo ang iyong mga kababayan at bumalik na kayo. Nawa'y si Yahweh ang maging matatag at tapat mong kaibigan.”

21 Ngunit sinabi ni Itai, “Kamahalan, hangga't si Yahweh at ang hari ay nabubuhay,[a] sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 15:21 hangga't si Yahweh…nabubuhay: o kaya'y saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, at hanggang buháy ang hari .