Add parallel Print Page Options

Ipinanganak si Solomon

24 Inaliw ni David si Batsheba at sinipingan muli. Muli itong nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki. Solomon ang ipinangalan ni David sa bata. 25 Palibhasa'y mahal ni Yahweh ang bata, isinugo niya si propeta Natan upang sabihing Jedidia[a] ang itawag sa bata na ang ibig sabihi'y, “Mahal ni Yahweh.”

Ginapi ni David ang Rabba(A)

26 Samantala, ipinagpatuloy ni Joab ang pagsalakay at handa na niyang pasukin ang Rabba, ang pangunahing lunsod ng mga Ammonita.

Read full chapter

Footnotes

  1. 25 JEDIDIA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “Mahal ni Yahweh”.