Font Size
2 Samuel 12:24-26
Ang Biblia, 2001
2 Samuel 12:24-26
Ang Biblia, 2001
Ipinanganak si Solomon
24 At inaliw ni David si Batseba na kanyang asawa, lumapit siya sa kanya, at sumiping sa kanya. Siya'y nanganak ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na Solomon. Minahal siya ng Panginoon;
25 at nagpadala ng mensahe sa pamamagitan ni Natan na propeta; kaya't tinawag niya ang kanyang pangalan na Jedidiah,[a] dahil sa Panginoon.
Nasakop ni David ang Rabba(A)
26 Noon ay nakipaglaban si Joab sa Rabba ng mga Ammonita at sinakop ang pangunahing lunsod.
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 12:25 o minamahal ng Panginoon .