Font Size
2 Samuel 1:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 1:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Nang sumunod na araw, dumating buhat sa labanan ang isang lalaking punit ang kasuotan at puno ng alikabok ang ulo. Lumapit ito kay David at nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. 3 “Saan ka galing?” tanong ni David.
“Tumakas po ako sa kampo ng Israel,” sagot ng lalaki.
4 “Bakit? Ano bang nangyari?” tanong ni David.
“Umatras po sa labanan ang hukbo at maraming mga kawal ang napatay. Napatay rin po ang mag-amang Saul at Jonatan,” sagot ng lalaki.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.