Add parallel Print Page Options

Ngunit huwag sana ninyong kakalimutan mga minamahal, na sa Panginoon, walang pinagkaiba ang isang araw sa isang libong taon. Para sa kanya ang mga ito ay pareho lang. Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman. 10 Ang araw ng Panginoon ay darating na tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang mawawala ang kalangitan na may nakakapangilabot na ugong. Masusunog ang lupa[a], at mawawala ang lahat ng nasa lupa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:10 Masusunog ang lupa: Nakasulat sa Griego na ang mga elemento ay mawawala sa pamamagitan ng pagsunog. Ang ibig sabihin nito ay masusunog ang lupa, at mawawala ang lahat ng nasa lupa.