Add parallel Print Page Options

Upang maalaala ninyo ang mga salitang sinabi (A)nang una ng mga banal na propeta, at ang utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol:

Na maalaman muna ito, (B)na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, (C)na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,

At magsisipagsabi, (D)Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.

Read full chapter